Wednesday , December 25 2024

Suporta para sa 10K Ayuda lumalawak

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga manggagawa at ibang pang sektor noong Sabado, Labor Day, para sa panukalang magpamahagi ng P10,000 sa bawat pamilyang Filipino habang ang bansa ay patuloy na nakikipaglaban sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Sinabi ng mga benepisaryo ng kampanyang “Sampung Libong Pag-Asa,” isang programa ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at mga mambabatas na kasapi sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso movement na ginanap ngayong 1 Mayo, makatutulong sa kanila ang pagpapatuloy ng cash aid program ng gobyerno para makaahon mula sa kahirapan.

Wika ni Lorna Javierto, isang candy vendor, nawalan ng asawa sa CoVid-19 at ngayon ay naninirahan sa isang sementeryo sa Bulacan, ang natanggap niyang tulong na salapi ay makatutulong sa pagtataguyod ng kanyang mga anak.

“Malaking tulong po sa akin ito dahil ako lang ang naghahanapbuhay. Masusustentohan ko na po ang pamilya ko at ang mga anak ko sa kanilang pag-aaral,” sabi ni Javierto.

Para sa construction worker at solo parent na si Regal Alcones ng Batangas, magagam­panan na niya ang kanyang tungkulin bilang ama sa pamamagitan ng tulong pinansiyal na natanggap.

“Magkakaroon na po ako ng pagkakataong gampanan ang tungkulin ko bilang haligi ng tahanan,” sabi ni Alcones, na nawalan ng trabaho bilang tricycle driver dahil sa pandemya.

Sa Marikina, sinabi ng cancer patient na si Ma. Elena Rabela, makakaya na niyang bumili ng gamot dahil sa karagdagang cash aid na natanggap niya.

“Balak ko pong tahakin ang unang hakbang patungo sa panibagong buhay po. Makakapagpagamot na po ako at magkakaroon ng pagkakataong maka­pag­simula ulit po,” aniya.

Ang “Sampung Libong Pag-Asa” ay idinaos sa Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Sta. Rosa sa Laguna, Lungsod ng Antipolo sa Rizal, at Lungsod ng Ormoc sa Leyte.

“Mga tunay na tao ito na tunay ang problema, na bago magkaroon ng pandemya ay hirap na at ngayon ay hirap na hirap. Ilan lang ang [nabigyan] today, at bagama’t maraming nai-inspire na gusto rin tumulong, kailangan pa rin talaga natin itong batas na ito para lahat mabigyan,” sabi ni Cayetano sa programa na ipinalabas sa kanyang opisyal na pahina sa Facebook.

“Hopefully, itong gagawin natin today, in the spirit of bayanihan through private sponsors and donors, ma-encourage ang Congress ‘pag open ng May 17 na ‘yung 10K Ayuda Bill at Bayanihan 3 ay itulak naman at ipasa na,” dagdag niya.

Ang programa ay bahagi ng kampanya nina Cayetano at kanyang mga kaalyado na magbigay ng cash aid sa lahat ng pamilyang Filipino na magagamit na pambili ng mga pangunahing pangangailangan at buhaying muil ang kanilang mga kabuhayan sa gitna ng pandemya.

Naihain nila Cayetano at ng mga kaalyado niya ang 10k Ayuda Bill noong Pebrero sa layuning palawakin ang cash aid program ng gobyerno para sa mga pamilyang Filipino.

Ang panukala ay isinali sa Bayanihan 3 ngunit sa kasamaang palad, hindi isinama ang pagkakaloob ng P10,000 para sa lahat ng pamilya.

“Ilan lang ang [nabigyan] ngayon, at bagama’t maraming nai-inspire na gusto rin tumulong, kailangan pa rin talaga natin itong batas para lahat ay mabigyan,” sabi ni Cayetano.

Mula Pebrero hanggang Abril ng taong ito, nakapamahagi na ang grupo ng P10,000 sa mga residente ng Caloocan City, Pasig City, Quezon City, at Cavite.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *