Saturday , November 16 2024

Duque umalma vs red-tagging sa health workers

UMALMA si Health Secretary Francisco Duque III sa ginawang red-tagging laban sa health workers na hinihingi ang kanilang benepisyo at mas mataas na sahod.

“After our consultation with our health care workers (HCWs), we have been notified on incidents of discrimantion, intimidation, and violence against our HCWs including cases of red-tagging for simply asking for better benefits and pay,” ani Duque sa kanyang Labor Day message kamakalawa.

Noong 27 Abril 2021, naglabas ng kalatas si Communications Undersecretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Lorraine Badoy na nag-akusa sa Alliance of Health Workers (AHW) at mga opisyal nito bilang mga terorista.

Tiniyak ni Duque, nakikiisa ang DOH laban sa anomang uri ng diskri­minasyon, pananakot at karahasan laban sa HCWs, kailanma’y hindi ito kokonsintihin at pananagutin ang mga nasa likod nito.

Magsasagawa aniya ng imbestigasyon ang DOH batay sa maka­kalap na mga ulat at maglalabas ng resolusyon ukol sa nasabing isyu.

“Apart from ensuring the safety of our HCWs, we continue to strive for better compensation and benefits befitting their service and sacrifices for our nation,” ani Duque.

Hindi aniya sapat na pasalamatan ang HCWs sa kanilang katapangan sa pagharap sa pandemya, kailangan din silang protektahan.

Nanawagan ang DOH sa publiko at iba pang ahensiya ng gobyer­no na manindigan para sa health care workers at bigyan ng proteksiyon laban sa anomang uri ng diskri­minasyon, pananakot at karahasan.

Sa ginanap na ikalawang dialogue ng Alliance of Health Workers (AHW), SHAPE UP at Filipino Nurses United (FNU) kay Duque noong 30 Abril 2021, inamin ng kalihim na “tali ang kanyang mga kamay”  o wala siyang magagawa upang magkaroon ng kalutasan ang issues and concerns ng mga manggagawang pangkalasuguna, sabi ng AHW sa kanilang Facebook post.

Dahil dito’y itinakda ng AHW ang isang motorcade patungong Malacañang upang makipag-dialogo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa 7 Mayo, Health Workers Day.

“Higit nating patata­gin ang ating hanay, tipunin ang ating lakas at ihanda ang kasapian ng ating mga unyon dahil muli tayong babalik sa Malacañang upang ang ating mismong singilin ay si Pangulong Duterte sa kanyang kapabayaan, kawalan ng malasakit at pananatiling bingi at manhid sa ating mga panawagan para sa proteksiyon, kaligtasan at kagalingan ng mga mang­gagawang pang­kalusugan,” anang AHW.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *