Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
philippines Corona Virus Covid-19

‘Singaw’ na datos ‘sungaw’ (Pakulo ng troll, bistado)

ISANG malaking pakulo ng bayarang troll ang iniligwak na memorandum ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay sa pag-iisyu ng “Regular Updates on World Data on COVID-19” upang palabasin na hindi kulelat ang Filipinas sa pagtugon sa pandemya.
 
Nabatid, pinayohan umano ng bayarang troll ang isang mataas na opisyal ng PCOO na mag-isyu ng memorandum sa mga opisyal na bumubuo ng Integrated News Team (INT) ng kagawaran na nag-uutos na regular silang mag-isyu ng updates kaugnay sa world data para ipakita sa publiko na nagtatrabaho ang administrasyong Duterte.
Matapos ‘mag-leak’ ang memo kamakalawa ay naglabas ng press statement ang PCOO na inamin ang memorandum sa INT members at inilitanya ang mga datos mula sa iba’t ibang website para ipakitang hindi palpak ang administrasyong Duterte sa CoVid-19 pandemic dahil mas maayos ang kalagayan ng bansa kompara sa India.
 
“Hindi kayang baguhin ng memorandum o press statement ang katotohanan kahit bayaran pa ng malaki ang epal na troll gamit ang pera ng bayan,” sabi ng isang political observer.
 
Nainis si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes, Jr., sa aniya’y pakulo ng administrasyong Duterte na “puro absolute figures” at walang konsiderasyon sa populasyon.
 
Para kay Reyes, ang tamang datos ay ang inilathalang infographic ng Earth Shaker Philippines na madalas source ng science information sa social media.
 
Ayon sa Earth Shaker Philippines, kahit mas malaki ng 1,293 ang confirmed CoVid-19 cases ng India sa kada 100,000 population, may fatality rate na 1.7% o mas marami ng 15.27 ang namatay sa Filipinas.
Mas mababa nang bahagya umano ang death toll ng India sa 1.1% o 14.46.
 
Mas marami rin ang isinagawang tests at nabakunahan sa India kaysa Filipinas,
 
Sa kabuuang test na isinagawa kada 100,000 population, ang India ay 20,322 kompara sa Filipinas na 10,458.
 
Habang ang bilang ng nabakunahan kada 100,00 population sa India ay 10,619 at sa Filipinas ay 1,513.
Binanggit ng Earth Shaker ang Worldometers.info at Bloomberg’s Vaccine Tracker bilang mga source ng kanilang datos.
 
Ayon sa Earth Shaker, ang pandemya ay hindi isang kompetisyon at kailangan pagsumikapan tuldukan ang pandemya sa pamamagitan ng science-based decisions. (ROSE NOVENARIO)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …