HINDI dapat ‘buntisin’ o palobohin ng Department of Transportation (DoTr) ang halagang ibinigay sa national government para maglako ng ‘good news.’
Sa ilalim ng pangangasiwa ng DoTr na pinamumunuan ni Secretary Arturo Tugade, inihayag ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon, hindi dapat mag-imbento ng numero o ulat para lamang lumikha ng ‘good news.’
Sinabi ng DoTr sa kanilang social media account na nag-remit ito sa national treasury ng P13.9 bilyon mula 2016-2019 na pinakamalaki sa nakalipas na 20 taon bago naupo ang administrasyong Duterte.
Ayon sa DoTr, ang ini-remit ng Manila International Airport (MIAA) mula 1996 hanggang 2015 ay P11.5 bilyon.
Ngunit, sa inihayag ni Ridon, batay sa pagrepaso niya sa audited financial statements ng MIAA mula 2014 hanggang 2019 lumabas na:
a. MIAA’s 2016-2019 dividend remittances only total P9.477-billion, a clear misstatement of data by more than 46.67-percent.
b. From 2016-2019, MIAA’s operating revenue only increased a modest average of 8.24-percent from P11.96-billion to P15.16-billion, while 2013-2016’s operating revenue increased at a higher average rate of 11.25-percent. There is thus nothing extraordinary with the performance of the current MIAA leadership compared to previous governments.
c. DoTr-MIAA is making it seem that dividend remittances to the national treasury are the only good and reasonable use of airport income. On the contrary, MIAA’s actual P9.477-billion remittance could have been used to expedite NAIA’s rehabilitation.”
Giit ni Ridon, ang tatlong taong dividend remittance ng MIAA ay katumbas ng 78.9 % halaga ng first phase ng NAIA rehabilitation project.
“Ok naman po ‘yung good news, ‘wag lang tayo mag-imbento ng mga numero,” ani Ridon. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …