Panahon para kumilos
By the time we see that climate change is really bad, your ability to fix it is extremely limited… The carbon gets up there, but the heating effect is delayed. And then the effect of that heat on the species and ecosystem is delayed. That means that even when you turn virtuous, things are actually going to get worse for quite a while.
— Bill Gates
NAALARMA ang Santo Papa ukol sa kinabukasan ng ating mundo sa muling paghayag ng kanyang panawagan simula ng kanyang panunungkulan bilang pastol at tagapamahala ng Simbahang Katoliko noong 2013.
Idiniin niyang ang mundo’y nasa ‘bingit’ na ng kapahamakan at kinakailangang resolbahin ng sangkatauhan ang problemang bumabagabag sa atin — ang pagkasira ng nag-iisa nating tahanan, ang ating planeta.
Sa nakalipas na panahon, aniya, napagtanto na natin na kailangan nating pangalagaan ang kalikasan, kung sana nga lang ay dahil sa ating pag-uugali at interaction sa biodiversity ay mahalagang pag-ingatan at respetohin.
At sa dalawang araw na pagpupulong na pinangunahan ni United States president Joseph Robinette Biden, nangako ang Estados Unidos na babawasan ang greenhouse gas emissions ng 52 porsiyento mula sa sa antas noong 2005 levels sa pagsapit ng taon 2030. Ito ay layuning doble pa sa dating itinakda ng Washington.
Ngunit kombinsido si Pope Francis na isang wake-up call ang kasalukuyang pandemya ng coronavirus at ito ay gumising sa pagpapahalaga sa pangangalaga ng ating planeta.
Tinukoy niya ang dalawang global disaster, ang CoVid-19 at ang global warming na nagpakita sa atin na wala na tayong panahon para maghintay.
Hindi na tayo makaliligtas sa krisis sa madaling pamamaraan. Ang kalbaryong nararanasan sa pandemya, at ang umiiral na climate change sa buong daigdig, ay kinakailangang humimok sa atin na isulong ang innovation, invention at paghahanap ng makabagong pamamaraan para sa proteksiyon ng ating mundo. Hindi nga talaga tayo makaliligtas sa simpleng paraan dahil ang magiging resulta ay maaaring makasagip sa atin o dili kaya’y magbunsod ng kalamidad na magwawakas sa tao.
Nagbabala siya, “kung hindi makaliligtas ang mga tao, lalakbayin natin ang daan patungo sa kapahamakan.
Hiniling din ng Santo Papa “sa lahat ng mga pinuno sa mundo na kumilos ng may paninindiagan at tapang.”
Ang ating pangunahin layunin ay matiyak na ang ating kapaligiran ay maging malinis at may sapat na proteksiyon. Ito’y nangangahulugan din ng wastong pangangalaga sa ating kalikasan.
Sa simula pa lang ng pandemya, partikular na naging aktibo si Papa Francis sa paghahanap ng solusyon sa krisis at nakipagpulong na siya sa CoVid-19 commission ng Vatican para makapagtatag ng limang working group na mag-uugnay sa mga eksperto mula sa iba’t ibang panig ng daigdig para tugunan at lutasin ang problema ng climate change.
Ang tanong nga lang, may panahon pa ba tayo para gawin ito?
* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text n’yo sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL
Tracy Cabrera