Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagka-atat ni Julia na magkapamilya ikinagulat ni Gerald

PROUD na proud na talaga sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa relasyong dalawang taon nilang itinanggi. At hibang na hibang na talaga sila sa isa’t isa.

Ang latest evidence ay ang paggi-guest nila sa vlogs ng isa’t isa.

Unang nag-guest si Julia sa vlog ni Gerald na nagulat ang actor sa pabirong pahayag ni Julia na handa na siyang magkapamilya sila next year. Binawi ni Julia ang sagot n’ya at sinabing, ”within five years” siya ready.

Ipinahayag din ni Julia kay Gerald na handa siyang i-give up ang career n’ya at mabuhay nang simple ‘pag may pamilya na sila.

Parang ikinatutulala ni Gerald ang mga sagot ni Julia.

Ilang araw lang ang nakaraan ay si Gerald naman ang nag-guest sa vlog ni Julia. Vlog na isang game na may kasamang pag-inom ng tequilla na ikinataranta ni Gerald na ‘di pala isang manginginom dahil naging professional basketball player siya ng ilang taon noong artista na siya. Pero ‘yun talaga ang unang ambisyon n’ya sa buhay. Eh manginginom ang mga babaeng Barretto!

Well, anyway, the couple played a game of never have I ever revolving around acts of flirting and dating. They both took shots of alcohol for every instance that they’ve done something from a prepared list of ”Never have I ever…” statements. Parang si Julia ang gumawa ng mga tanong na ‘yon dahil vlog nga n’ya ‘yon.

One of the statements picked by Julia read, ”Never have I ever sent someone a sexy selfie.”

“Never,” Anderson said after a brief pause. ”Pwede naman nilang kunin sa Instagram ko.” 

“To anyone ever? Promise?” Julia tried to confirm as she poured some alcohol into her glass. Anderson noticed her doing this and threw the question back at her.

“So nagse-send ka ng sexy selfies mo?” tanong ni Gerald sa GF n’ya.

Sumagot si Julia na nagawa raw n’ya ‘yon noon. ‘Di n’ya sinabi kung kanino n’ya ipinadala, at kung sa lalaki o sa kapwa babae n’ya ‘yon ipinadala. Hindi naman siya kinulit ni Gerald for details.

Julia also revealed that she has drunk-dialed someone before, while Anderson said that he has hit on a stranger and kissed someone he did not know.

May puntong hinihiling na ni Gerald kay Julia na softdrinks na lang ang lagukin n’ya dahil tapang na tapang siya sa nilalagok n’yang alak.

Never na pumayag si Julia sa request na ‘yon ni Gerald. Pero parang ‘di naman nauwi sa away ang vlog session na ‘yon. Ganoon sila kahibang sa pag-ibig sa isa’t isa.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …