Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Utak-sili

NATAWA ako sa binitawang salita ng isang nilalang na nangangalang Robin Padilla noong 22 Abril.
Sabi niya: “Tutal napakaraming matapang. Narinig mo. Eto, may mga politiko. Senador Kiko Pangilinan, Ex Justice Antonio Carpio, Jim Paredes, Senadora Risa Hontiveros, si Idol, si 10,000 hours, senador Ping Lacson, may mga ibang artista pa at singer. E, kung talaga pong matapang kayo, e, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin iyong militia no’ng mga Chinese. Pumunta tayo ro’n, lumayag tayo, mangisda din tayo ro’n, tumambay din tayo ro’n kasi atin eto.”
Aba, ‘atatapang a-tao, mabilis pa sa gatilyo ni Fernando Poe, Jr., ang rapido ng bunganga. Bilang isang kapitan na reservist sa Armed Forces of the Philippines, hindi sumakay nang ayos ang binitawan niyang salita. Hitik ito sa kayabangan at kawalan ng respeto dahil binastos niya ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. At ang pagtatayo ng isang ‘militia’ at
pag-udyok sa iba na sumasailalim sa krimen na sedisyon.
Dito sumagot si Col. Mike Logico, isang CO o “commanding officer” sa AFP. “Game” daw. Pero ano ba naman ang credentials ng isang Mike Logico kompara sa isang Robin Padilla?
Heto ang credentials niya:
Director, Joint and Combined Training Center,
Joint Doctrine and Development Center,
Former Director AFP Wargaming Center, CGSC, Camp Aguinaldo
Former Deputy Senior Military Assistant to the SND, DND
Former Battalion Commander, 66th Infantry Battalion, 10ID, PA
Master’s Degree in National Security Administration, NDC
CGSC Class 56, AFP Command and General Staff College
Nag-aral sa Don Bosco Technical College, Makati
May Masters degree sa Public Management, Ateneo de Manila University
Nagtapos sa Philippine Military Academy
Nag-aral ng All Arms Tactics sa Pusat Latihan Tentera Darat o Malaysian Combat Army Combat Training Centre
Nag-aral sa United Nations Staff Officer’s Course sa Ukraine National Defense Academy
Nag-aral ng Special Forces Operational Course
Heto ang credentials ng Robin Padilla:
Ex-actor
Ex-convict
Nagulantang ang Robin at kaagad humingi ng paumanhin.
Kaya tandaan natin mga bata: Huwag magyabang kung walang ipagyayabang. Baka sabihin na ang utak mo ay kasing-laki ng buto ng sili.
 
***
 
Pinanood ko sa pamamagitan ng Zoom ang naganap na talakayan sa Ateneo de Manila University, na ang resource speaker ay walang iba kung hindi and dating senador, at ngayon ay Professor Sonny Trillanes.
Sa mahigit isa at kalahating oras na powerpoint presentation, ipinaliwanag niya ang sari-saring isyu, kabilang ang simula ni Rodrigo Duterte bilang political kingpin sa Davao. Ipinaliwanag niya ang koneksiyon ni Duterte sa maraming personahe sa underworld, at ang paglaganap ng Davao Death Squad, na sa kalaunan ay naging markado sa paglaganap ng EJK .
Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit nakapiit si Senator Leila de Lima, at ang populismo na umiiral kaya nahalal bilang pangulo ng Filipinas. Nagbigay din siya ng mga patnubay na dapat sundin para magkaroon ng tamang pamamahala. Ang isa rito, ang problema sa red tape at padrino system. Maganda ang suhestiyon niya na isailalim sa video document ang lahat ng public bidding para maiwasan ang mga salamangka.
Hindi hamak na napakaraming makikinabang ang aalam nito dahil tiyak na tapos ang maliligayang araw nila dahil magiging lantaran na ang lahat.
 
Sa akin ang pinakamahalagang sinabi niya ay tatakbo lamang siya sa pagkapangulo kung aayaw si Leni Robredo. Pero sa ngayon payag siya, sampu ng kanyang mga kasama sa Magdalo, na maging kandidato sa pangalawang pangulo. Ipinagdarasal namin ang kanilang tagumpay at ipinapanalangin ang pagninilay ni Manay Leni.
***
 
MGA PILING SALITA: “When it comes to community pantries, there really are only two kinds of people. Those who talk about, have ideas, theories, suggestions, improvements, criticisms about the community pantries. At best, they are idea fairies, content with blessing others with their brilliant insight. At worst, they spread rumors and innuendo that can ruin genuine community effort and solidarity. Then there are those who donate, volunteer, repack, keep lines orderly, pick up donations, load and unload donations, make bantay, give out food, cheer on and support those in line and other volunteers, share expertise (not just opinion). At their worst, they can be a hard on themselves and masungit. At best, they are the engine that keeps efforts like these going, despite the odds and despite the ones who have a lot to say.” – Gabe Mercado
“Philippine government is run like a teleserye only the acting is better on TV.” – Joe America
“IS ANGEL LOCSIN LIABLE? (sa pagkamatay ng isang nakapila sa kanyang community pantry) NO. Angel Locsin is not liable at all. There is no crime when there is no criminal mind. Neither was there negligence in putting up a table as community pantry. The table and the food were just there to be approached. There was even no accident due to any action of Angel Locsin. There is just absolutely nothing to make Angel Locsin liable. Being merely an organizer does not equate to liability. Walang ikakaso kay Angel Locsin. Walang krimen kung walang layuning kriminal. Wala rin kapabayaan sapagkat ang mesa at mga pagkain nandoon lang para lapitan ng mga tao. Wala rin aksidenteng sanhi ng aktibong kilos ni Angel Locsin. Sadyang walang kahit anong pananagutan si Angel Locsin. Walang sagutin ang isang nag-ayos lamang ng mga pagkain.” – Mel Sta. Maria
 
TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *