INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng mga eksperto at ng Department of Health (DOH) na palawigin hanggang 14 Mayo ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus.
Inianunsiyo ito ng Pangulo kagabi sa kanyang Talk to the People.
Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa publiko sa desisyon niyang palawigin ang MECQ sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna dahil sa pagtaas ng kaso ng CoVid-19.
“Wala tayong magawa, ang virus ay lumilipad sa hangin kaya kailangan sumunod na muna kayo,” aniya.
Binigyan diin niya, ang pasya ay para sa public interest, siya umano ang pinakahuling magpapahirap sa mga Pinoy at sumunod lamang siya sa rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III na mas nakaaalam ng sitwasyon bilang doktor.
Sinabi ng Pangulo isinailalim rin sa MECQ ang Santiago City sa Isabela, lalawigan ng Quirino at Abra.
Inilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang kalatas na ang MECQ ay iiral sa tatlong lugar sa buong buwan ng Mayo.
Habang ang mga area na nasa general community quarantine mula 1-31 Mayo ay: Cordillera Administrative Region, Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga,
Mountain Province.
Ganoon ang mga lalawigan sa Region 2: Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; Region 4A: Batangas, Quezon;
Region 8: Tacloban; Region 10: Iligan City; Region 11:
Davao City; BARMM: Lanao del Sur.
Ang mga lugar na hindi tinukoy ay nasa ilalim ng modified general community quarantine.
“This new community quarantine classification is subject to the appeals of the local government units,” sabi ni Roque. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …