Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsibak kay Parlade ipinasa sa NTF-ELCAC (Duterte iwas-pusoy)

 
ni Rose Novenario
 
HINDI umubra ang pagiging commander-in-chief ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang military general na sentro ng kritisismo dahil sa ‘bisyong red-tagging.’
 
Ipinauubaya ni Pangulong Duterte sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang desisyon sa pagsibak kay Lt. Gen. Antonio Parlade bunsod ng red-tagging sa promotor ng community pantry at pakikipagbangayan sa mga senador.
 
“Bahala na po ang NTF-ELCAC kung susundin nila ang rekomendasyon ni Senator (Panfilo) Lacson,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing kahapon.
 
Ipinasa ng Senado ang committee report na nagrekomenda sa pagsibak kay Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC.
 
Si Lacson ang chairman ng Senate Committee on National Defense na nag-sponsor ng report.
 
Mayorya sa mga senador ang nagsusulong na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC sa susunod na taon at i-reallocate ang P19-B budget sa ayuda sa mahihirap na naapektohan ng pandemya.
 
Tinawag na ‘stupid’ ni Parlade ang mga senador sa bantang tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC kaya’t naghain ng resolusyon si Senate Minority Leader Franklin Drilon at nilagdaan ng 15 pang senador.
 
Tiniyak kamakalawa ni Roque, suportado ng Palasyo ang ‘gag order’ ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., laban kina Parlade at Communications Undersecretary Lorraine Badoy bunsod ng walang habas na red-tagging sa community pantry organizer. (ROSE NOVENARIO)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …