Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza soberano napagdiskitahan sa pagtatanggol kay Angel

SIYANGA pala, hindi naman nga si Angel ang umangal sa kinalabasan ng interbyu niya kay Alvin Elchico kundi ang nga netizen. As usual, maraming dispalinghadong reaksiyon ang mga netizen.

Pati nga si Liza Soberano ay pinagdiskitahan na naman nila. Nakatutuwa rin ang pagtatanggol ni Liza kay Angel. Ang nakalulungkot ay ang pag-misinterpret ng ilang netizens sa social media post ni Liza.

Saad ni Liza sa kanyang tweet noong April 24: ”It’s just unfair to me that her intentions were twisted and she’s being blamed for the death that she never intended to happen.

“Sorry if the family affected by this was offended by my comment but this was not for you but the people blaming her.”

Dahil nga may netizens na hindi naintindihan ang komento ni Liza, naglabas siya ng paglilinaw ukol sa nauna niyang tweet.

Aniya sa pangalawang tweet: ”Many people misunderstood my comment. I meant don’t say sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation.

“Of course it’s only right and natural for ate Angel to be sorry about the life that was lost.”

Parehong napakadisenteng mag-react sa mga netizen na dispalinghado ang mga pag-iisip. At kapos na kapos sa breeding and decency.

Siyanga pala, ang na-monitor namin noon na isa sa pinagkakaabalahan ni Liza ay ang pagma-master’s. Nabasa namin ‘yon noon sa isang post sa social media ng kapatid na lalaki ni Enrique Gil, ang boyfriend ng aktres hanggang ngayon.

Bagama’t ‘di nabanggit sa post na ‘yon kung anong espesyalisasyon ang ine-M. A. ni Liza, bilib na bilib ang kapatid na ‘yon ni Enrique sa talino ni Liza.

Alam n’yo na naman siguro na ayaw pang tumanggap ni Liza ng trabaho na mangangailangang lumabas siya ng bahay dahil ayaw n’yang magka-Covid na posible pang maipasa n’ya sa mga miyembro ng pamilya n’ya o kay Enrique.

Nag-aabang pa kami ng balita kung nagpabakuna na siya o kung payag siyang magpabakuna.

Samantala, may iba pang mga artista ang umalo kay Angel kaugnay ng mga pangyayaring kinasadlakan n’ya.

Pahayag ni Anne Curtis sa Instagram n’ya: ”You’ve always had nothing but sincere and good intentions every time you have helped those in need. Sending you a big hug Mars (friend). We are all saddened [by] what happened.” 

Vice Ganda, Dimples Romana and Iza Calzado also acknowledged that Angel meant well as they extended their condolences to Dela Cruz family whose head, Rolando, 67 years old, collapsed while lining up at the community pantry and died on the way when he was being rushed to the hospital.

Bukod sa kanila, ang Foreign Affairs secretary na si Teodoro Locsin Jr. ay nagpahayag na ‘di na kailangang humingi ng tawad si Angel sa pagkamatay ng matandang lalaki dahil ang layunin naman ni Angel ay ‘di makapanakit kundi makatulong sa mga nangangailangan. Hindi magkamag-anak sina Angel at Secretary Locsin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …