APROBADO sa Palasyo ang gag order ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., sa dalawang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na suportado ng Malacañang ang diwa ng bayanihan sa mga umusbong na community pantry sa buong bansa kaya’t hinihingi nila sa mga opisyal na maging mas malalim sa mga pahayag at mas malawak sa pananaw.
“Opo. At ang ating pakiusap po ay alam naman po natin ang polisiya natin, wine-welcome natin itong bayanihan ng community pantries at hinihingi natin sa lahat ng opisyal, maging mas maingat at maging mas… how should I put it – mas malalim sa kanilang mga sinasabi, na kailangan mas malawak ang kanilang pananaw,” ayon kay Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.
“At actually, nakausap ko na rin si Secretary Esperon at sinabi naman niya sa akin na pinagsabihan na niya pareho si General Parlade at saka si Usec. Badoy na maging mas mahinahon at mas maingat sa mga binibitawang mga salita,” dagdag niya.
Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng direktiba ni Esperon kina NTF-ELCAC Spokespersons Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy na manahimik at tigilan ang pagbibigay ng opinyon na nag-uugnay sa promotor ng community pantry sa kilusang komunista o red-tagging.
Nanawagan kamakailan si Badoy sa mga donor sa community pantries na hanapin ang ibinigay na ayuda dahil maaaring napunta ito sa Communist Party of the Philippines (CPP).
Tinawag na ‘stupid’ ni Parlade ang mga senador na nagsusulong na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC.
Naniniwala si Roque na batid ng mga mambabatas, iba ang rationale nina Parlade at Badoy sa programa ng NTF-ELCAC.
Para kay dating Commission on Audit (COA) chief at 1Sambayan convenor Heidi Mendoza, ang NTF-ELCAC ang dapat magpaliwanag sa publiko kung saan napunta ang P19-B pondio nito.
“Private funds are freely given, unlike public funds which are usually imposed upon citizenry,” ani Mendoza sa kanyang Facebook post noong 24 Abril 2021.
“Madam, bago ka po humingi ng accounting for funds given to community pantry, be ready to submit an accounting of your discretionary funds…Now kami naman ang magko-call para gawin ninyong public ‘yong accounting ninyo,” sabi niya kay Badoy.
Kaugnay nito, 14 enador ang lumagda sa draft resolution na nagnanais kondenahin si Parlade sa pang-iinsulto sa mga senador.
Ang resolusyon ay isinulong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, at pinirmahan nina Senate President Vicente Sotto III, President Pro Tempore Ralph Recto, at Sens. Panfilo Lacson, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, Leila De Lima, Richard Gordon, Joel Villanueva, Francis Pangilinan, Aquilino “Koko” Pimentel at Pia Cayetano.
Nakasaad sa resolusyon ang mga pahayag ni Parlade bilang “disrespectful, derogotary, and demeaning statements against members of the Senate following their criticism of his persistent and unjustified red-tagging of civilians.”
“Progressive thinking is not communism and by no stretch of the imagination can mere expression of opinion or criticisms, much less purposeful activism through involvement in humanitarian community efforts, constitute rebellion, sedition or terrorism,” pahayag ng mga senador.
“Instead of engaging in a productive debate, Lt. Gen. Parlade’s arrogance in his remarks against the senators showed his lack of respect for duly-elected representatives of the people and the Senate as an institution,” giit nila. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …