Sunday , December 22 2024

Herbosa ‘bumigay’ sa batikos ng UP com

ni ROSE NOVENARIO

INAMIN ni special adviser to the National Task Force Against CoVid-19 Dr. Teodoro Herbosa na hindi niya kinaya ang pagbatikos sa kanya ng UP community kaya nagbitiw bilang University of the Philippines Executive Vice President.

Ikinuwento ni Herbosa sa Laging Handa Public briefing na nasaktan siya sa pagbatikos ng publiko, lalo ng mga kasamahan sa UP, matapos niyang humingi ng paumanhin sa tweet niyang “death by community pantry” kaugnay sa pagkamatay ng isang senior citizen na pumila sa inorganisa ng aktres na si Angel Locsin.

“Talagang parang, sabi ko, parang napakasamang tao ko, demonyo ba ako? Talagang isinulat nila lahat doon. And sana pinag-usapan na lang natin anong dapat gawin, anong dapat matino. Well, naisip ko hindi tama ito e, iyong kasamahan ko mismo sa UP ang nagsasabing mali ako, when in fact, ang gusto lang ay makatulong sa ating bayan. Kaya nag-file ako ng aking resignation immediately as executive vice president ng aking minamahal na University of the Philippines,” sabi ni Herbosa.

Iginiit ni Herbosa na ang pagpuna niya sa pagkamatay ng senior citizen ay opinyon ng “doctor on disaster medicine” dahil nakita niya na pinayagan pumila at magsiksikan ang mga tao na wala man lang nakahandang tubig na inumin lalo na’t napakainit ng panahon.

“Sabi ko mali ito, puwedeng may mamatay, puwedeng may mahawa. Pero noong may namatay, sa galit ko at sa sama ng loob ko bilang isang doktor na nag-specialize nga sa disaster medicine, ang isa sa pinag-aaralan namin ay mass gathering events and how to make mass gathering event safe. Noong nabalita na may nag-collapse siguro sa heat stroke, sa init ng panahon at noong dinala sa ospital ay dead on arrival, nagalit ako,” aniya.

Inilinaw ni Herbosa, hindi siya galit sa community pantry at ang kinontra lamang niya ay ang kapabayaan kaya nasawi ang isa sa nakapila.

“Ngayon, ang masasabi ko, hindi ako kontra sa pantry. Ang kontra ako ay iyong pinabayaan nilang mamatay iyong ating mga kababayan doon. Pinabayaan nilang pumila sa init ng araw ni walang baso ng tubig, ni walang maiinom,” sabi niya.

Kahit nagbitiw si Herbosa bilang opisyal ng UP, nananatili siyang faculty sa unibersidad at doctor ng emergency medicine sa Philippine General Hospital (PGH).

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *