Finally, nakalabas na sa ospital si dating Pangulong Joseph Estrada yesterday,, Monday, April 26, after having stayed in the hospital for almost a month.
Matatandaang napasok sa ospital ang 84-year-old former actor-politician because of his COVID-19 ailment.
Masaya siyempre ang kanyang buong pamilya, particularly ang panganay niyang si dating senador Jinggoy Estrada, dahil hindi nasayang ang kanilang efforts at pagdarasal para malaligtas si Erap sa kanyang karamdaman.
Sang-ayon sa kanyang Facebook post kahapon, April 26, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga doktor ng kanyang ama na matiyagang nag-alaga rito since March 28, 2021 at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na hindi pinabayaan ang dating presidente.
Narito ang buong anunsiyo ni Jinggoy:
“MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES JOSEPH EJERCITO ESTRADA
“Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today.
“We would like to express our gratitude to his doctors for their expertise and care.
“We would like to thank everyone who prayed with us and supported us through this harrowing experience.
“But most of all, we would like to thank our Lord Almighty for His love and guidance through all of this.
“Muli, maraming maraming salamat sa inyong lahat!!”
Matatandaang isinugod si mayor Erap sa ospital dahil nagpositibo sa CoVid-19.
Kinabitan siya ng mechanical ventilator last April 6 dahil hirap siyang huminga.
Negatibo na siya sa CoVid-19 last April 13.
April 20, he was out of the intensive care unit (ICU) and was transferred to a regular room.
Kahapon, April 26, nakauwi na ang dating Pangulo sa kanilang bahay.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.
Check Also
Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai
HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …
Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5
HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …
Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama
RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …
Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok
BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …
Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO
KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …