Saturday , November 16 2024

Gov. Suarez umaming ‘pagal’ na (Quezon kulelat sa bakuna)

HINDI naitanggi ni Governor Danilo “Danny” Suarez sa grupo ng ilang mama­mahayag na pagod na siya at nais nang magretiro sa politika kaya naman mababa ang vaccination rate sa buong lalawigan ng Quezon, pagbu­bulgar ng isang source sa HATAW..

Ginawa umano ni Suarez ang pag-amin, matapos umangal ang isang grupo ng mga taga-Quezon na napa­kabagal ng pagtugon ng kanilang gobernador dahil mas inilalaan umano sa mga distritong ‘alaga’ niya.

“With the rate that Governor Suarez is performing, it would take until 2023 for the provincial government to successfully vaccinate at least 60% of the entire population of the province,” ani Edwin Santos, isang nagma­mala­sakit na mamama­yan at kaalyado ng Quezon Rise Movement (QRM).

Nakagugulat din umano,ang pagbubun­yag ng gobernador na nakakuha na ng Sputnik Gamaleya ang kanyang probinsiya sa kabila ng mga ulat na mababa ang bilang ng mga nabaku­nahan.

Hindi sinabi ni Suarez kung ilang Sputnik Gamaleya ang  umano’y hawak ng lalawigan ng Quezon.

Sang-ayon kay Philippine vaccine czar Carlito Galvez, Jr., inaasahan pa lamang nila ang pagdating ng 20,000 doses ng Sputnik Gamaleya bago matapos ang buwan ng Abril.

Tinapos ng gobyerno ng Filipinas ang agreement sa Gamaleya nitong 15 Abril 2021.

Inamin din umano ni Suarez sa nasabbing grupo ng mga mama­mahayag na matanda na siya at nais lamang niyang manahimik bilang public official.

Aniya, lomobo ang mga kaso ng CoVid-19 sa kanilang lalawigan na umabot sa 9,800 kasong mahigit 400 ang namatay.

Sa kabila nito, aminado umano ang gobernador, mahigit 14,000 ang nabaku­nahan sa mahigit 2 milyong residente ng probinsiya ng Quezon.

Sa datos ng Department of Health (DOH), pinakakulelat ang Quezon sa mga nakakuha ng bakuna.

Inamin ni Suarez, ang panukalang P1 bilyong pondo ng lala­wigan ay hindi pa nakukuha dahil pinaa­aprobahan pa ang utang sa Development Bank of the Philippines (DBP).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *