Saturday , November 16 2024

Parlade ‘modelong’ hindi karapat-dapat (Sen. Kiko sa AFP junior officers)

ni ROSE NOVENARIO

HINIMOK ng isang senador ang junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag tularan si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman, Lt. Antonio Parlade, Jr., sa pagputak na taliwas sa disiplina at propesyonalismo ng militar.

Kinuwestiyon ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pagbalewala ni Parlade sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejano na maghinay-hinay sa pag-ugnay sa kilusang komunista sa mga tao o red-tagging.

“Why do you disregard the guidance given you by chief of staff? Where is the discipline within the chain of command? This is most unfortunate,” ayon kay Pangilinan sa News Night sa CNN Philippines kagabi.

Ang mensahe aniyang ipinararating ni Parlade sa junior officers ay puwedeng mawalan ng disiplina at maging unprofessional ang isang senior military officer nang walang pananagu­tan.

What is the message to junior officers? That a senior military official, can very be an unprofessional and undisciplined way to make these remarks and can get away with it,” sabi ni Pangilinan.

Sinabihan aniya ni Sobejano si Parlade noong nakalipas na taon na magdahan-dahan sa red-tagging sa ilang celebrities ngunit inulit ngayon kay Anna Patricia Non, ang nagpasimuno ng Community Pantry movement sa bansa, at tinawag pa siyang kagaya ni Satanas.

“This tarnishes the image of the Armed Forces of the Philippines (AFP) as a professional and disciplined organization. This is most unfortunate. Sinabihan na siya ng Armed Forces chief of staff to exercise due diligence then ito ang resulta. Hindi maganda ito, mayroon bang loose canon na puwedeng mag-operate outside the chain of command? Hindi dapat ganito, hindi tama,” wika ng senador.

Nanawagan ang senador kay Sobejano na kastigohin si Parlade, huwag konsintihin para hindi magpatuloy ang baluktot na pag-iisip.

“This is most unfortunate, the Armed Forces chief of staff saying we support community pantry and you have a senior military officer saying otherwise and calling and describing, alluding to the organizer of the community pantry as being like Satan. What is happening to the professionalism and discipline of the armed forces, Gen. Sobejano? That’s our question, we hope this time around you exercise full disciplinary powers by imposing discipline on this senior military officer. Paulit-ulit na kasi,” giit ni Pangilinan.

Ipinaalala niya kay Sobejano ang pagsibak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Maj. Gen. Alex Luna matapos lumabas ang palpak na listahan ng mga umano’y nagtapos sa University of the Philippines (UP) na naging kasapi ng New People’s Army (NPA) at nasawi sa enkuwentro sa militar.

“Tinanggal siya (Luna). They know what to do. Alam nila kung ano ang dapat gawin at sana gawin nila,” wika ng senador.

Habang ang 10 pang senador ay humirit na tanggalin ang P19 bilyong pondo ng NTF-ELCAC at ilipat sa CoVid-19 response ng gobyerno o kaya’y sibakin ang mga palpak na opisyal nito o kaya’y tuluyan na itong buwagin.

Parang sumisingasing na toro si Parlade sa inis sa panawagan ng mga senador laban sa kanya at sa NTF-ELCAc at tinawag silang stupid dahil ang mga mambabatas ang gumawa ng batas para magkaroon ng P19 bilyong budget ang task force na babawiin din.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na kakausapin nila ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año si Defense Secretary Delfin Lorenzana hinggil sa mga kontrobersiyal na pahayag ni Parlade laban sa community pantry.

Nanindigan sina Roque at Ano na buo ang suporta ng Malacañang at DILG sa community pantry.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *