Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie at Vice Ganda magkaibigan pa rin kahit naghiwalay

SI Ogie Diaz ang celebrity guest sa live audio cast ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Calamansi Pinoy Voice Chat Room noong Lunes, April 19. Dito ay ikinuwento niyang magkaibigan pa rin sila ni Vice Ganda kahit naghiwalay sila bilang talent at manager noong November 2011.

Sabi ni Ogie, “Mayroon ding times na kailangan maghiwalay kayo ng talent dahil dapat na kayo maghiwalay, o hindi naggo-grow ang relationship, or kasi hinihingi na ng pagkakataoon na maghiwalay. So kami ni Vice, noong naghiwalay kami, hindi rin naman kami nag-away. We maintained the friendship because nauna naman kaming maging friends bago kami naging magkarelasyon bilang manager at talent. So, as of now, we’re good,” sabi ni Ogie.

Katibayan na nga na hindi nasira ang friendship nina Ogie at Vice, noong dumalo ang huli sa 46th birthday celebration ng una na ginanap sa isang restaurant sa Tomas Morato.

Nawala man si Vice sa pangangalaga ni Ogie, ay nakilala at naging talent naman niya si Liza Soberano noong 2012.

“O, noong nawala si Vice sa akin ng 2011, siya namang dumating si Liza Soberano. Hindi naman natatapos ang buhay sa relasyon niyo na parang wala kang silbi, wala ka nang kahihinatnan, wala ka nang patutunguhan. Siguro naman, kaya ko magbuhat ng bangko. Na somehow, nakatulong ako kay Vice Ganda para maging Vice Ganda siya. At kay Liza naman, nakatulong din tayo na maging Liza Soberano siya.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …