Wednesday , December 25 2024

Red-taggers back off — Guevarra (Community pantry tinitiktikan)

ni ROSE NOVENARIO

HAYAANG magpatuloy na yuma­bong sa bansa ang pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa at huwag silang gipitin.

Panawagan ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga awtoridad na inireklamo ng profiling, red-tagging o iniugnay ang mga promotor ng community pantry sa kilusang komunista.

“Suffice it to say that a person voluntarily doing an act of kindness and compassion toward his neighbor should be left alone,” pahayag ni Guevarra.

Hindi aniya wasto na isailalim sa interogasyon ng mga pulis ang isang tao maliban kung may nilabag na batas, ordinansa, patakaran, o regulasyon taliwas sa kabutihan ng publiko.

“It is not proper for law enforcement agents to interrogate him unless there is reason to believe that he is violating any law, ordinance, rule or regulation for the good or welfare of the community,” paliwanag ni Guevarra.

Pinayohan niya ang community pantry organizers na huwag mag-fill-out ng anomang form na ibinigay sa kanila ng mga pulis.

“Organizers of community pantries have no legal duty nor are under any compulsion to fill out any forms, as these are not considered business, much less illegal activities,” giit ng Justice secretary.

Inamin kahapon ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na binubusisi nila ang background ng mga organizer ng community pantry.

“We’re just checking itong background ng mga community pantry organizer. Habang nandoon sila sa community meron silang propaganda na ginagawa. May sinasabi silang gutom ang mga tao dahil sa kapalpakan ng gobyerno, kung ano-ano pa,” sabi ni Parlade.

Ang profiling ng mga pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) kay Anna Patricia Non ang naging dahilan ng pansamanta­lang pagtigil kahapon ng pinamunuan niyang community pantry sa Maginhawa St., Teachers Village, Quezon City.

Nagsilbing inspira­syon ang inisyatiba ni Non sa pagbuo ng may 200 community pantry sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas sa nakalipas na isang linggo.

Nakaranas din ng harassment mula sa mga pulis-Maynila si Marikit Arellano, organizer ng community pantry sa Pandacan, Maynila kamakalawa.

Tiniyak ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na bibigyan niya ng ayudang legal ang lahat ng community pantry organizer laban sa red-tagging at harassment ng mga awtoridad.

“Huwag kayo mag-alala. Kung may huhuli po sa inyo na namimigay kayo ng pagkain nandito po ang PAO. Kami po ang magtatanggol sa inyo. Ready po kami ipagtanggol mga kaba­bayan natin na tumutu­long lamang ay sila pa ang makakasuhan,” wika ng PAO chief. “Halos limang dekada na ako namimi­gay. Ibig sabihin ba ako ay red? Hindi. Filipino ako,” dagdag niya.

Itinanggi nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na may direktiba silang usisain ang pagkatao ng community pantry organizers.

Para kay Non, hindi na sila magpapaapekto sa mga nag-aakusa sa kanila bilang mga komunista sa social media at itutuon na lamang ang atensiyon sa adbokasiyang maka­tulong sa kapwa sa pagbubukas muli ng community pantry sa Maginhawa St., ngayong araw.

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *