Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roque ‘malalim’ sa PGH (Kaya mabilis na-admit)

‘MALALIM’ si Presidential Spokesman Harry Roque sa Philippine General Hospital (PGH) kaya mabilis siyang nakakuha ng kuwarto kahit maraming mas malalang pasyente na nagtitiis sa mahabang pila para magkaroon ng silid sa pagamutan.

Sinabi ni Roque, ang lahat ng kanyang doktor ay kapwa niya faculty member sa University of the Philippines (UP) na nagpapatakbo sa ospital bukod pa sa PGH siya ipinanganak at isa siya sa mga tumutulong sa ospital.

Giit niya, walang palakasan sa PGH at ang kanyang mga doktor ang nagpasya na i-confine siya dahil masama ang kanyang lagay noong Sabado o tatlong araw makaraan siyang magpositibo sa CoVId-19.

“Wala pong pagkakaiba ang UP-PGH sa UP Diliman, hindi po pupuwede ang palakasan dito. Noong ako po’y pinapasok ng aking mga doktor, it was because the condition merited admission at mula po noong nagkaroon ako ng sintomas, Lunes pa, bagama’t ako’y nag-test positive ng Tuesday, ipinagbigay-alam ko na po sa mga doktor ko – lahat po sila tagarito sa PGH,” aniya sa virtual press briefing kahapon.

“Lahat po ng nag-aalaga sa akin ay taga-PGH, mga kasama ko sa faculty, mga faculty po sila ng College of Medicine at matagal ko na po silang mga doktor sa mula’t mula pa ‘no. At ‘malalim’ din po ako sa PGH dahil dito ako pinanganak, miyembro ako ng asosasyon ng mga ipinanganak rito na tumutulong sa PGH,” dagdag ni Roque.

Kahit inulan ng batikos sa tinamong very important person (VIP) treatment sa PGH, iginiit niya na ‘unchristian’ ang pagtatanong sa kanya ng media hinggil sa isyu dahil lumalabas na nanlamang siya sa kapwa.

“Kaya siya ‘unchristian,’ para bagang ‘pag ika’y nakakuha ng kuwarto sa panahon ngayon ay mayroon kang ginawa, na nang-isa ka sa kapwa mo. Nasa PGH po ako, ang PGH kabahagi po iyan ng University of the Philippines. Wala pong pagkakaiba ang UP-PGH sa UP Diliman, hindi po pupuwede ang palakasan dito,” ani Roque.

Tiniyak ni Roque na ang basehan sa admission sa PGH ay kapag moderate o severe case ang CoVid-19 patient gaya rin ng pamantayan ng ibang ospital.

“Pero I can assure you po gaya ng lahat ng ibang hospital, ang basis for admission po kinakailangan moderate at severe cases. Sa aking kaso po, I was in bad shape when I was admitted pero iyon nga po ‘no, by Sunday I was better because of Remdesivir,” ani Roque.

Para kay Manila Bishop Broderick Pabillo, wala sa lugar ang ‘unchristian’ response ni Roque dahil may responsibilidad ang serbisyo publiko na maging transparent.

“Paano naging ‘un-Christian’ ‘yon? It was an innocent question,” sabi ni Pabillo sa Teleradyo.

“Ang public figures dapat maging transparent sila sa pagsagot sa mga tao. ‘Yan ang problema. Pag nagtatanong, sa halip na sagutin ang tanong, ad hominem ang kanilang sagot, titirahin ang nagtatanong. Hindi naman tama ‘yun.”

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …