Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CoVid-19 testing palpak, Vince Dizon sibakin — Bayan

MULING nanawagan ang militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na sibakin bilang testing czar si Vince Dizon at palakasin ng administrasyong Duterte ang libreng CoVid-19 testing sa gitna ng napakataas na positivity rate at lomobong bilang ng mga bagong kaso ng CoVid-19.

“We again reiterate our call to replace so-called testing czar Vince Dizon and to ramp up free CoVid testing amid the very high positivity rate and new CoVid cases,” ayon kay Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr.

Mula 9-12 Abril 2021, naitala ng Department of Health (DOH) ang 11,000 hanggang 12,000 bagong CoVid-19 cases kada araw na may positivity rate na 20 porsiyento.

Inirekomenda ng mga eksperto na isailalim sa test ang 200,000 katao bawat araw at ang 130,000 nito’y isagawa sa Metro Manila ngunit ang ginawa ng gobyerno ay 34,000 test lamang isang araw.

“This should enable government to detect more infections and contain the spread of the virus through proper isolation and treatment,” ani Reyes.

Giit niya, hanggang ngayon ay nagbabayad ng hanggang P4,000 ang isang tao para sa CoVid-19 swab test at ang ibang nakararanas ng sintomas ay naghihintay ng ilang araw bago i-test ng kanilang barangay.

“Our testing per confirmed case remains very low compared to our ASEAN neighbors. Our testing capacity has stagnated for most of the past 6 months. The relaxing of quarantine restrictions will simply bring us back to the situation prior and during the ECQ as cases will continue to rise as there is not enough tests being conducted.”

Malayo pa aniya ang Filipinas na makamit ang kinakailangang bilang ng test kada araw upang matagumpay na labanan ang CoVid-19.

Imbes maglatag ng malinaw na plano upang itaas ang testing mula 100,000 hanggang 200,000, ibinabalik ni Dizon ang usapin sa non-issue na isailalim sa test ang buong populasyon  at ang kailangan lamang ay targeted testing.

Kailangan aniyang palitan si Dizon at ang iluklok bilang testing czar ay medical expert na magtitimon sa pagpapataas ng CoVid-19 test sa mga Filipino. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …