ni ROSE NOVENARIO
IMBES simpatiya, humakot ng batikos ang isang mataas na opisyal ng Malacañang na positibo sa CoVid-19 nang husgahang ‘unchristian’ ang pag-uusisa sa nakuha niyang very important person (VIP) treatment sa Philippine General Hospital (PGH).
Inusisa ng media kahapon si Presidential Spokesman Harry Roque kung anong mga sintomas ang kanyang naramdaman sa ikalawang pagkakataon na nagpositibo sa CoVid-19 at paano siya nakakuha agad ng silid sa PGH gayong mahaba ang pila ng mga pasyenteng nais ma-admit sa pagamutan at ang iba’y nangamatay habang naghihintay.
Tinawag ni Roque na ‘unchristian’ ang tanong ng media at hindi niya inilahad kung paano siya mabilis na na-accommodate sa PGH noong nakaraang Biyernes,9 Abril.
“With all due respect, I think that’s unchristian question,” ani Roque sa virtual Palace press briefing.
“Ang aking assurance lang, sa administrasyon po ni Presidente Duterte, lahat ng mayroong pangangailangang medikal e mabibigyan po ng tulong at iyan na rin naman po ay dahil din doon sa ating (i)sinulong na Universal Health Care noong 17th Congress,” dagdag niya.
Kahapon at noong Sabado, 10 Abril, ay sa loob ng kanyang silid sa PGH nagdaos ng virtual press briefing si Roque kahit ang isang CoVid-19 patient ay dapat nagpapahinga at bawal ma-stress.
Hindi pinalampas ng ilang personalidad at netizens ang kakaibang sagot ni Roque, at inihayag ang mga saloobin sa Facebook gaya ng premyadong manunulat na si Lualhati Bautista: “Sige, sige, let me put it in a christian way: ;How come God made people with severe symptoms wait while He allowed you to get a room at the PGH?’ Christian enough? Thanks.”
Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan secretary-general Renato Reyes Jr., “Lahat ba talaga ng nangangailangan nabibigyan ng tulong? Ah di ka ata dumaan dun sa E.R. papunta sa room.”
Mula sa netizens:
“Never vote back Duterte or his puppets into power, they’re too cynical. #DuterteNoMore #NeverAgain #RIPRoque – Teresa Alcantara”
“With all due respect, I think it’s extremely un-Christian to receive instant access to hospital facilities when others waited outside the hospital for days, some even died waiting. There’s not an ounce of respect for what you did,” – Rod Cho
“Once A Upon a time ***Your Boss “*Said **To Christian Priest**Your God is Stupid**Now you are calling Us**UnChristian**Are you Deaf n Blind?” – Gregory Bantay
“It is more unchristian to skip the line when you know there are more seriously ill patients waiting in line for how many days.” – Levy Ann Calayag Roda
“May mga namamatay sa loob ng kotse at labas ng hospital. Pero hingan mo ng transparency and accountability si Harry Roque and suddenly he will teach you about Theology.
Much like the DDS, point out the wrongs and room for improvements then suddenly they will point out all the wrongdoings and probable worse case scenario kung mga Dilawan daw ang nakaupo. Para sa kanila kung hindi ka pula, dilaw ka, wala ng iba.
Ang tawag d’yan? DEFLECTION CULTURE.”
– Yu Racraquin
“Kaya nabubuwisit ang mga tao sa inyo. Hindi lang kayo sinungaling e. Makapal din mukha n’yo. Arogante pa kayong magsasagot.” – Johann Sebastian
“What’s unChristian is putting yourself first before the needy.” – Fay Morales.