Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea umamin na sa tunay na relasyon kay Dominic

UMAMIN na sa wakas si Bea Alonzo na nagdi-date sila ng Kapamilya actor na si Dominic Roque. Date na umaabot sa out-of-town resort sa Palawan.

Date na dati ngang inililihim nila sa pamamagitan ng halos sabay nilang inilalabas sa kanya-kanyang Instagram at wala silang litratong magkasama.

Hindi pa siguro sila nagsasabi sa isa’t isa ng “I love you!” kaya ang sabi ni Bea sa bigatiNg editor ng Mega Ent online magazine ay hindi pa sila. Hindi pa sila mag-jowa.

“We haven’t gone beyond dating!” sambit ni Bea kay G3 San Ped­ro (na babae pala, nadis­kubre namin sa paggu-Google ng unique at unisex na pangalan n’ya).

So alam na natin ngayon na “dating” pa lang ang label ni Bea na ‘di pa nakalilimot na “ghosted” siya ng boyfriend n’yang si Gerald Anderson na tatlong taon na ring girlfriend ni Julia Barretto (bagama’t noong March lang inamin ni Gerald ang relasyon nila).

Ilang buwan kaya ang hihintayin ng madla para sabihing sila na nga?

Thirty-three years old na si Bea at 26 naman si Dominic (na parang matagal nang walang project sa ABS-CBN, pero baka naman may negosyo siya o mayaman ang pamilya n’ya at ‘di n’ya kailangang maghanapbuhay.)

‘Pag naging sila na ni Dominic officially, sana ay itigil na ni Bea ang pagsagot ng mga tanong tungkol sa nangyari sa kanila ni Gerald. Sabihin na lang n’yang may amnesia tungkol kay Gerald.

Nagmumukha lang siyang kawawa at nagmumukhang napakasamang lalaki na kinababaliwan naman ng mga babae (and most likely, pati ng mga bading na laging sabik pero nagpapanggap na nalulungkot lang).

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …