Saturday , November 16 2024

Gabinete tuliro sa real properties buying spree (Duterte admin isang taon na lang)

TILA paikot-ikot na trumpo ang isang miyembro ng gabinete sa pamimili ng mga lupain sa iba’t ibang coastal town sa buong bansa sa nalalabing mahigit isang taon ng administrasyong Duterte.

Sinabi ng source sa HATAW, nagpunta sa Mabini, Batangas noong nakalipas na linggo ang Cabinet member upang tingnan ang iniaalok sa kanyang vacation house sa Anilao na nagkakahalaga umano ng P85 milyon.

Imbes matuwa ang nagbebenta ng ari-arian sa Cabinet member dahil sa milyones na kikitain, nabahala hindi lang siya kundi ang mga tauhan ng isang kilalang Diving Resort sa Anilao nang aminin kamakailan ng opisyal na nagpositibo siya sa CoVid-19.

Isinara umano ang Anilao dahil sa opisyal para sa contact tracing.

Ayon sa source, nag-scuba diving ang Cabinet member sa Anilao noong Biyernes Santo hanggang Easter Sunday.

“Prior to that he already contracted CoVid tapos gumaling and then nag-scuba diving. Kaso bumalik ang CoVid. Yari ngayon mga nakasalu­muha niya sa Anilao,” anang source.

Noong Lunes, 5 Abril, masama na umano ang pakiramdam ng opisyal at noong 9 Abril ay isinugod siya sa isang sikat na ospital sa Maynila dahil nahirapang huminga.

Naganap ang pagbiyahe ng opisyal habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR plus bubble at bawal ang hindi “essential travel” sa labas ng Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

Nabatid sa source na noong nakaraang buwan ay kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing Cabinet member sa inagurasyon ng Dumaguete-Sibulan Airport.

Sinamantala umano ng opisyal ang okasyon para makabili ng isang beach front property sa Dumaguete.

Habang noong Disyembre 2020 ay sa lalawigan ng Palawan nagpunta ang Cabinet member at bumili rin ng isang beach front property.

Naging kontrobersiyal umano ang “Bataan trip” ng Cabinet member noong Oktubre 2020 dahil may ulat na inimplu­wensiyahan umano niya ang isang business deal na kinasasangkutan ng kanyang misis.

“Marami ang nagtaka sa biglang paglobo ng yaman ni Sir. Hindi alam ng publiko, nakasubi siya ng P300 milyon noong 2019 midterm elections,” ayon sa source.

Ang problema umano, kung idedeklara ng Cabinet member ang kanyang mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), paano niya ipaliliwanag kung saan nagmula ang ipinambili ng mga nasabing assets.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *