Monday , December 23 2024

Ebidensiya ng liderato di ‘proof of photo op’ (Hirit ng bayan ngayong pandemya)

ni ROSE NOVENARIO

EBIDENSIYA na ginagampanan nang wasto ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng bansa ang kanyang responsibilidad sa panahon ng krisis ang hirit ng bayan at hindi basta ‘proof of life’ na ‘photo op’ kaya nag-trending sa social media kamakalawa ng gabi ang #NasaanAngPangulo.

Inihayag ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., sa kanyang Facebook post kasunod ng mga ‘photo op’ na inilabas ni Sen. Christopher “Bong” Go na magkasama sila ng Pangulo makaraang mapaulat na nagkaroon ng mild heart attack ang Punong Ehekutibo kamaka­lawa.

“It’s not about proof of life. It’s about proof of leadership in a time of crisis. It’s about accountability,” ani Reyes.

Inilitanya ni Reyes ang mabibigat na isyung kinakaharap ng Filipinas gaya ng pinakamalaking pagsirit ng kaso ng CoVid-19, pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ), pang-iinsulto ng China sa bansa pero hindi man lang narinig ng sambayanan na kumibo si Pangulong Duterte.

“We had the worst single day record, the most number of active cases, an extended ECQ, China insulting our nation, yet he was nowhere to be seen,” ani Reyes.

Hindi aniya uubra ang ‘proof of life photos’ na inilalako ng Palasyo tuwing ‘nawawala’ ang Pangulo.

Giit ni Reyes, ang kailangan ng samba­yanan ay aksiyon at pananagutan kundi ito kayang ipamalas ay dapat magbigay daan ang Pangulo sa mga tunay na may kakayahang mamuno.

“Proof of life photos won’t cut it anymore. People demand action and accountability. Otherwise he should give way to those who can actually lead,” sabi ni Reyes.

Kahit hindi siya ang kailangan ng ‘proof of life,’ hindi pa nakontento si Go sa ipinaskil na mga larawang magkasama sila ni Pangulong Duterte sa kanyang Facebook account, nagbigay pa ng kanyang video message sa 24 Oras sa GMA-7 ang senador na nagpa­paliwanag na “fit and healthy” ang Punong Ehekutibo.

Nanindigan si Presidential Spokesman Harry Roque, malakas at malusog si Pangulong Duterte sa kabila ng kanyang edad kaya’t nagpapasalamat ang Malacañang sa pag­da­rasal at pagmamalasakit sa Punong Ehekutibo.

“President Rodrigo Roa Duterte remains fit and healthy for his age and we thank the Filipino people for voicing their concern and wishing the Chief Executive’s strength and good health during this time of CoVid-19 pandemic as he continues to discharge his functions as head of the government,” ani Roque sa isang kalatas kahapon.

DUTERTE, NO-SHOW
SA VIRTUAL
CABINET MEETING

HINDI nagparamdam si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na pulong ng ilang miyem­bro ng kanyang gabinete kahapon o isang araw matapos kumalat ang balitang nakaranas umano siya ng mild heart attack

Walang paliwanag ang Malacañang kung ano ang dahilan at hindi nakadalo ang Pangulo kahit online ang ginanap na pulong.

Maging mga pangalan ng dumalong cabinet members ay hindi rin naibigay ng Malacañang.

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa viber message sa Malacañang Press Corps na kabilang sa mga tinalakay sa pulong ay tinutugunan na ng gobyerno ang isyu ng hazard pay ng health care workers.

Inaasahan aniya ang dalawang milyong doses ng CoVid-19 vaccine ang darating ngayong buwan, 1.5 milyon nito’y mula sa Sinovac ng China at 500,000 mula sa Gamaleya ng Russia.

Iaanunsiyo ni Roque bukas kung palalawigin pa ang implementasyon ng ECQ sa NCR plus bubble.

Matatandaan, kama­kalawa ay kumalat na inatake sa puso ang Pangu­lo kaya hindi natuloy ang kanyang Talk to the People.

Itinanggi ito ng Palasyo at sinabing nag-iingat lang ang Pangulo bunsod ng mataas na kaso ng COVId-19 sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *