SA PAGPAPATULOY ng roll-out ng COVID-19 vaccine, isinalang para mabakunahan ang iba pang Kapampangan frontliners na kabilang sa priority group ng A.1.5 at A.1.6 ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda.
Kasama sa priority group ng category A.1.5 ang mga government owned primary care based facilities, health offices, RHUs, birthing homes, barangay health workers, contact tracers, at P/C MDRRMO.
Kabilang sa priority group ng A.1.6 category ang stand-alone facilities, clinics, diagnostic center, dialysis clinics, dental clinics, CoVid-19 laboratories, at workplace clinics. (RAUL SUSCANO)