Monday , December 23 2024

Duterte inatake sa puso

ni ROSE NOVENARIO

INATAKE sa puso si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa  ulat kahapon ng maharlika.tv, isang online news site.

Ayon sa breaking news nito, “Reliable sources have shared that President Duterte suffered a mild stroke today. Could be the reason his public address was postponed. Confirmatory information still being gathered on this story.”

Kumalat sa iba’t ibang chat groups ang naturang balita ngunit hindi na mabuksan ang link ng ulat sa Maharlika.TV website.

Sa isang text message, itinanggi ng long time aide at ngayo’y Sen. Christopher “Bong” Go ang ulat.

“Not true,” maigsing tugon ni Go sa tanong ng media kung totoong inatake sa puso si Duterte.

Dati-rati’y mahilig si Go na magpadala sa media ng real time photos o videos ni Pangulong Duterte habang kasama niya ngunit kagabi’y naghintay sa wala ang ilang mamamahayag.

45 PSG PERSONNEL
COVID-19 POSITIVE,
DUTERTE NASA
ISOLATION

BAGO ang balitang inatake sa puso si Pangulong Rodrigo Duterte, siya ay pinaniniwalaang nasa isolation  sa Bahay Pagbabago sa Presidential Security Group (PSG) Park sa Otis St., Paco, Maynila.

Inihayag ni Sen. Christopher “Bong” Go, kinansela ang public address ni Pangulong Duterte bunsod ng mataas na kaso ng CoVid-19 sa hanay ng PSG.

Kailangan aniyang iiwas si Pangulong Duterte sa panganib na mahawaan ng CoVid-19.

“The President’s Talk to the People address is postponed to avoid putting him at risk due to the reported CoVid-19 cases in the PSG,” ani Go sa text message sa Malacañang Press Corps.

Binanggit ni Go, si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagpositibo rin sa CoVid-19 ngunit wala siyang binanggit kung ito ang dahilan ng isolation ng Pangulo.

Inamin kahapon ni Lorenzana na CoVid-19 positive siya matapos sumailalim sa swab test kamakalawa.

Huling humarap sa publiko si Pangulong Duterte noong 29 Marso 2021 nang salubungin ang mga bakuna sa paliparan at nagdaos ng public address sa Palasyo.

Ani Go, nasa mabuting kalagayan ang kalusugan ng Pangulo at tuloy sa pagtatrabaho.

“However, there is nothing to worry about when it comes to PRRD’s health. Nasa mabuting kalagayan naman po ang Pangulo. In fact, magkasama kami kanina at patuloy ang kanyang trabaho,” aniya.

Kamakalawa, duma­lo si Go sa pagbubukas ng modular hospital at dormitory sa Quezon Institute sa Quezon City.

Binatikos ni Senator Nancy Binay ang presensiya ni Go sa QI dahil aksaya umano sa oras ang seremonya imbes mapakinabangan agad ng mga pasyenteng nasa bingit ng kamatayan.

“Pakiusap kung puwede buksan na lang para magamit agad. Sayang lang ang oras sa ribbon cutting at photo ops,” sabi ni Binay sa isang tweet kahapon.

“These things are unnecessary & leave a bad taste for families of CoVid patients who are racing against life & time,” giit ng senadora.

Kaugnay nito, kinompirma ni PSG chief Gen. Jesus Durante na 45 tauhan ng PSG ang positibo sa CoVid-19 ngunit wala silang naging direct contact kay Pangulong Duterte.

“At the least, our PSG personnel who got infected are not directly or closely detailed with the President and are all asymptomatic without experiencing any adverse symptom. Hence, rest assured that the President is safe and in good health,” sabi ni Durente sa isang kalatas kahapon.

Matatandaan noong 18 Marso 2021, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang balak ang Palasyo na kanselahin ang mga nakatakdang pagdalo ni Pangulong Duterte sa mga pagtitipon sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahit ilang empleyado at opisyal ng Malacañang ang nagpositibo sa CoVid-19.

Katuwiran ni Roque, mababa ang CoVid-19 cases sa mga lugar na pinupuntahan ng Pangulo at nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *