Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Avelino nagpasalamat sa Best Actor Award ng EDDYS

BONGGA si Paulo Avelino huh? Sa 46th Metro Manila Film Festival  last December, siya ang itinanghal na Best Actor para sa pelikulang Fan Gil na gumanap siya bilang leading man ng bidang si Charlie Dizon.

At sa katatapos na virtual awards night ng 4th The Eddys, na ginanap noong Linggo ay siya rin ang hinirang na Best Actor para rin sa nasabing pelikula.

Hindi naka-attend si Paulo sa awards night, na binubuo ng entertainment editors mula sa iba’t ibang tabloids at broad sheet, na kabilang dito ang aming editor sa Hataw na si Ms Maricris  Nicasio. Ang nag-accept  para sa kanya ay si Direk Antoinette Jadaone, na kanilang direktor sa Fan Girl.

Incidentally, ang lady director ang nagwagi bilang Best Director para rin sa Fan Girl.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ay ipinost ni Paulo ang video ng kanyang pasasalamat sa bumubuo ng Eddys sa pagkakapili sa kanya bilang Best Actor.

Sabi niya, ”Thank you! Thank you, thank you so much sa lahat ng bumubuo ng The Eddys, sa Society of Philippine Entertainment Editors or SPEEd.

“Thank you sa inyong lahat at ako ang napili n’yo for this year’s best actor. It’s your 4th, I think, 4th Eddys awards and it’s my first na makakuha ng kahit na anong award sa inyo.

“So, thank you so much and I hope everyone’s safe. I hope your family is safe, your loved ones are safe. Again, more power to everyone, and to our industry. Mabuhay po kayo. Salamat po!”

Ang mga nakalaban ni Paulo sa pagiging Best Actor ng 4th Eddys ay sina John Arcilla (Suarez: The Healing Priest), Elijah Canlas (He Who Is Without Sin), Adrian Lindayag (The Boy Foretold By The Stars), at JC Santos (Motel Acasia).

To Paulo, our congratulations!

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …