Wednesday , April 16 2025

One Hospital Command Center, dagdag-stress sa CoVid-19 patients

IMBES magkaroon ng pag-asa, dagdag stress ang nararamdaman kapag tumawag sa One Hospital Command Center ang mga kaanak ng mga positibo sa CoVid-19.

Taliwas ito sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong ang pagtawag sa One Hospital Command Center sa mga nanga­nga­ilangan ng kagyat na aksiyon para sa mga positibo sa CoViD-19.

Ang One Hospital Command Center ay isang centralized CoVid-19 referral center na ang tungkulin ay bigyan ng direksiyon ang caller na nangangailangan ng medical attention gaya ng pagdadalhang ospital, o quarantine/isolation facility ng nagpositibo sa virus.

“Makatutulong po siguro kung tatawag tayo po sa One Hospital Command Center. Kasi roon po kapag tumawag kayo roon, sasabihin na nila kung saan kayo pupuwedeng pumunta. Kung puno na nga po sa Metro Manila, ire-refer nila kayo sa mga ospital sa mga karatig na probinsiya ‘no. Pero kung kayo po ay mag-o-ospital-ospital, mahi­hirapan po talaga kayo dahil talagang marami na pong puno dahil ang mga pribadong ospital po ay up to 20% lang po naman ang kanilang CoVid bed capacity ‘no. So tumawag po tayo sa One Hospital Command Center,” payo ni Roque sa publiko sa virtual Palace press briefing kahapon.

Batay sa naging karanasan ng isang CoVid-19 patient sa One Hospital Command Center, lumipas ang dalawang araw mula nang tumawag siya bago nasundo ng barangay health workers para ihatid sa quarantine facility.

Nagpadala muna siya ng mensahe sa email address ng center kalakip ang resulta ng kanyang swab test ngunit walang natanggap na sagot kaya’t ‘nagsumbong’ siya sa Department of Health (DOH).

Halos napudpod na rin aniya ang kanyang mga daliri sa pagtawag sa emergency hotline ng Maynila ngunit walang sumasagot o kaya’y “cannot be reached” ang mga numero.

Samantala, Isang senior citizen na positibo sa CoVid-19 ang nasawi sa Mandaluyong kamakailan at inabot ng dalawang araw na nasa bahay ang bangkay bago nakuha ng pune­rarya dahil walang sumasagot sa mga tawag ng kanyang kaanak sa One Hospital Command Center.

Isang kaibigan ng pamilya ang despe­radong makakontak ng tutulong sa kanila kaya pati sa MMDA Traffic Center ay tumawag na rin siya.

Sa kabutihang palad, ang nakausap niya sa MMDA Traffic Center ang tumawag sa lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, pinakilos ang barangay health emergency team para makuha ang bangkay ng CoVId-19 positive patient.

Nabatid, ang tatlo pang kapamilya ng nasawi ay nagpositibo rin sa CoViD-19 at ang misis niya’y nasa kritikal na kondisyon sa kasalukuyan ngunit nasa bahay pa rin dahil hindi na umano binalikan ng barangay health emergency team. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *