Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Kakapa-kapa ka pa

LUNES nang magisnan si Rodrigo Duterte sa isang pre-recorded televised message. Gusto kong tawagin ito na “The Weekly Presidential Tik-Tok Show” kung saan pagkakataon nating mga ‘hampaslupa’ na magisnan ang diyos na naghahari sa baybay ng Ilog Pasig.

Pero bago naging ‘viral’ ang mga retrato na lumabas kamakailan. Partikular, ang mga retrato ng isang abang Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-76 kaarawan sa Davao City. Dito makikitang ginayak ang birthday candle na nakatarak sa isang tumpok na kanin, tanda ng isang payak at abang pagdiriwang.

Okey na sana ngunit dahil marami sa ating mga hampaslupa, lalo ang mga nasa social media, na hindi mapakali, at ayun, nakita ang full image ng retratong kuha ni SAP Bong Go at nakita sa peryodikong Philippine Daily Inquirer.

Sa naturang retrato, nagisnan ang isang buong lechon, at sari-saring mga putahe na nakagayak sa maraming bandehado at mangkok. Kumbaga sa salamangka ng lumilipad na babae, sa mga katagang iniwan ng nasirang Chiquito sa pelikulang Mr. Wong, ito ay ‘kita tali.’

Sa ganang akin, walang masama kung sa isang handaan, lalo na kung ito ay kaarawan, may lechon. Bahagi ito ng pagdiwang natin sa isang espesyal na okasyon.

Ang hindi po maganda sa akin ay ang estilo ng paglagak ng retrato na tila ipinakikita sa madla na napakasimpleng tao ni Mr. Duterte kaya imbes keyk ang nilagyan ng kandila, isang tumpok na kanin.

Sa akin, isa itong panlilinlang, isang uri ng ‘propaganda’ na pwuedeng ikumpara sa mga retrato ni Lenin na nagsisibak ng kahoy, o si Mao Tse Tung na nilalangoy ang ilog Yangtze.

Ito ay pakitang-tao lamang at malayo sa katotohanan.

Kaya sorry ka Bong Go. Buking ang gimik mo at ‘kita tali.’

***

Isa pang kaganapan na nangyari sa kaarawan ni Mr. Duterte, at sa akin ito ang mas nakaaantig at nakababagabag. Sa isang video clip na i ilabas din no’ng kaarawan niya, makikitang inilalabas ng isang kasambahay ang isang hiwa ng tila “red velvet” o “chocolate mousse” at iprenesinta ito kay Duterte. Pero laking gulat ko nang imbes ‘yung keyk ang iaabot, ay biglang umakma si Duterte na sasakmalin ang maselang bahagi ng kasambahay niya.

Biglang ‘viral’ ito at umani ng negatibong komento, lalo na mula sa mga grupong kababaihan. Nagmukha tuloy isang manyak si Duterte na kahit katulong sa bahay ay papatusin.

Biglang todo-depensa naman ang ‘spooksman’ ng presidente at balewala iyon dahil matagal nang katulong siya ni Mr. Duterte. At ‘yung tatawagin mong ‘utak-talangka’ ang lahat ng pumuna, hindi sa tangkang pagsakmal sa ‘puday ni Inday,’ kundi sa estilo ng paglagak ng piging sa madla. Ang masasabi ko ikaw Mr. Roque ay ‘utak-biya.’

***

Sa isang panayam nagsabi si dating senador Sonny Trillanes na maaari siyang tumakbo sa pagkapangulo ng Filipinas kung pipiliin ni Bise-Presidente Leni Robredo na talikuran ito at sa halip ay tumakbo lamang sa mas mababang posisyon. Ito ay pasok sa agenda na isinusulong ng 1Sambayan. Isang Sonny Trillanes makita ang mga nasa luklukan ng isang matinding hamon.

Abangan natin at tiyak magiging masaya ang darating na eleksiyon.

***

MGA PILING SALITA: Mas magaling magdrama si Duterte kaysa magtrabaho bilang presidente. Patunay na ‘yan sa palagi niyang pag-angkin na lubos ang pagmamahal niya sa mga Filipino. At hindi ako makapapayag na maging isang kadugo ng isang traydor sa bayan at mamamatay-tao.    — Elgin Lazaro

“Hindi lang ang lechon ang baboy.”  — Leila de Lima

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *