Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patrick at Nikka excited na sa paparating na baby boy

MAY tatlong anak na sina Patrick Garcia at Nikka Martinez Garcia na pawang mga babae at mukhang mga manika. Ito’y sina Michelle, Patrice, at Pia. Nakatu­tuwang malaman na ang ipinagbu­buntis ngayon ni Nikka ay isang baby boy.

Yes! Magkakaroon  na rin ng anak na lalaki sina Patrick at Nikka. At siguradong gwapo na lalabas ang kanilang baby. Gwapo naman kasi si Patrick.

At kahit isa na nga siyang daddy, hindi tumatanda ang kanyang hitsura.

Sa pamamagitan ng kanilang vlog na The Garcia Family, in-announce nila rito sa harap ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan, na lalaki ang gender ng kanilang 4th child.

“So, we’re having a baby boy! Yey!” sabay na sabi nina Patrick at Nikka.

Sobrang happy ang magandang si Nikka sa paparating na baby nila ni Patrick

“We can’t thank the Lord enough. Sobra-sobrang good ng Panginoon. This is so personal to me kasi parang grinant niya talaga ‘yung desire ng heart ko. I just continue to pray that we continue to be good stewards, you know, good parents, who will raise these children up to learn to love God with all of their hearts. We are so excited,” sabi ni Nikka.

Saman­tala, namimili na ng boy stuff si Patrick bilang preparation sa kanilang baby boy.

“Kung naging girl ‘yung baby namin, wala kaming problema kasi ang dami naming girls stuff. But, of course, now we are having a boy so we have to prepare for that,” sabi naman ni Patrick.

May nakahanda nang pangalan na ibibigay sina Patrick at Nikka sa kanilang baby boy. Enrique Pablo ang napili nilang pangalan.

To Patrick and Nikka, my congratulations!

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …