Saturday , November 16 2024

LGU ‘guilty’ Duterte ‘absuwelto’ (Double standard sa command responsibility)

MAGKASALUNGAT ang interpretasyon ng Palasyo at Department of Interior and Local Government (DILG) sa doktrina ng command responsibility kaugnay ng mga patakaran sa pagpapatupad ng national vaccination program.

Nanindigan si DILG Undersecretary Epimaco Densing na alinsunod sa command responsibility, dapat managot si Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa pagturok ng CoVid-19 vaccine sa aktor na si Mark Anthony Fernandez ng city health department, umano’y malinaw na paglabag sa priority list na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, na frontline health workers ang dapat maunang bakunahan.

“Ipalalabas na namin this afternoon ang show cause order kay Mayor Edwin Olivarez para magpaliwanag siya. Command responsibility n’ya po ang pagsisisgurado na ang ating vaccination plan ay nasusunod (nang tama) sa kanyang lokal na gobyerno,” ayon kay Densing sa Laging Handa Public Briefing kahapon.

Nang magpabakuna sina Undersecretary Jonathan Malaya at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chief of staff Michael Salalima sa Pasay City General Hospital noong nakalipas na 4 Marso, walang kibo si Densing kahit hindi sila medical frontliners.

Kahapon ay tahasang inabsuwelto ni Presidential Spokesman Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte sa command responsibility nang ilegal na pabakunahan ang mga opisyal at tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ng smuggled CoVid-19 vaccine noong nakaraang taon.

“Ang command responsibility po, applicable lang po kapag mayroong labanan. It is a principle made in the Philippines recognized by International Humanitarian Law. Wala pong application ang command responsibility kung wala po tayong digmaan, iyan po ay umiiral lang, iyong konsepto ng command responsibility kapag mayroong digmaan dahil mayroon po tayong batas na umiiral bagama’t mayroong digmaan,” paliwanag ni Roque.

Naging bukambibig ng matataas na opisyal ng gobyerno ang ‘command responsibility’ bilang dahilan kapag sinisibak sa puwesto ang mga opisyal kapag sumabit sa alingasngas ang mga tauhan nila kahit wala naman nagaganap na digmaan sa bansa.

Ang pinakahuling napaulat na tinanggal sa puwesto bunsod ng command responsibility noong nakaraang 14 Marso ay si Calbayog City police chief Lt. Col. Neil Montaño matapos mapatay sa umano’y shootout sa mga pulis si Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

(ROSE  NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *