Saturday , November 16 2024

Kaso vs aktor, 6 mayors, health workers sa Ombudsman iniutos ni Duterte

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na sampahan ng kaso sa Ombudsman ang anim na alkalde, isang aktor at ilang health workers dahil sa pagturok sa kanila ng CoVid-19 vaccine kahit wala sa priority list ng gobyerno.

Sa kanyang public address kagabi, tinukoy ng Pangulo sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Leyte; Mayor Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Mayor Sulpicio Villalobos ng Sto. Nino, South Cotabato; Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, Albay; at Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan, na dapat sampahan ng reklamo sa Ombudsman dahil sa pagsingit sa pila ng priority list.

Bagama’t hindi binanggit ng Pangulo ang pangalan ng anak ng artista na binakunahan ng CoVid-19 vaccine, napaulat kahapon ng umaga na siya’y si Mark Anthony Fernandez , anak nina Alma Moreno at Rudy Fernandez.

Binigyan ng direktiba ng Pangulo si Duque na kasuhan din sa Ombudsman si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at ang city health workers na nagturok ng bakuna sa actor.

Dahil sa pangyayari ay nangangamba ang Pangulo na maapektohan ang pagdating ng mga donasyong CoVid-19 vaccine dahil sa paglabag sa priority list ng naturang mga politiko, health workers, at ng aktor.

Napag-alaman, nag­labas na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng show cause order sa limang alkalde na nagpabakuna.

Batay sa priority list na itinakda ng pama­halaan, magsisimula ang national vaccination program sa frontline health workers, kasunod ang indigent senior citizens, iba pang senior citizens, at mga natirang indigent population, at uniformed personnel.

Ilang senador ang binatikos ang mabagal na vaccine rollout ng administrasyong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *