NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi puwedeng panagutin ang pamahalaan sakaling magkaroon ng masamang epekto ang CoVid-19 vaccine sa taong tinurukan nito kapag ang bakuna ay binili ng pribadong sektor.
“One that is the government cannot guarantee much less give you an immune status that you are freed of any and all liability… I think we cannot even do that even if we wanted to, the assumption of liability for the stocks that are bought from the private sector,” ayon kay Duterte sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.
“Ang gusto ng manufacturers, ang private sector magbili, ang gobyerno ang mag-assume ng liability. Hindi ho pwede ang ganoon,” giit ng Pangulo.
Ito’y sa kabila na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang indemnity law o Republic Act 115251 o ang CoVid-19 Vaccination Program Act of 2021 na nag-aabsuwelto sa vaccine manufacturers sa pananagutan kapag nagkaroon ng masamang epekto ang bakuna sa taong tinurukan nito.
Ayon sa batas, “public officials and employees, contractors, manufacturers, volunteers and representatives of duly authorized private entities shall be immune from suit and liability under Philippine laws with respect to all claims arising out of, related to, or resulting from the administration or use of a CoVid-19 vaccine under the (CoVid-19) vaccination program except arising from wilful misconduct and gross negligence.”
“Iyong sinabi naman po ni Presidente na hindi naman pupuwede na walang pananagutan ang pribadong sektor, ito po ay dahil nakasaad nga po sa batas natin na bagama’t gobyerno ang magbabayad ng side effects ay may dalawang exceptions po rito: Kung nagkaroon po ng tinatawag na willful neglect o iyong tinatawag na gross negligence. Ito po iyong kapabayaan na wika nga ni Ms. International, e major-major na kapabayaan ‘no – gross negligence,” paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ng Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)