Monday , December 23 2024

‘Bubble’ iwas-pusoy sa ‘unli’ lockdown

ni ROSE NOVENARIO

UMALMA si dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa pabago-bagong termino na ginagamit ng Inter-Agency Task Force (IATF) para ilihis ang unlimited lockdown bilang solusyon na tanging alam ng administrasyong Duterte laban sa CoVid-19 pandemic.

Ayon kay Binay,  sa realidad ay lockdown ang ‘bubble’ na bagong termi­nong naimbento ng pamahalaan upang pag­takpan ang pagkabigo, kapabayaan, at kawalan ng kakayahan sa pag­tugon laban sa CoVid-19.

Isang taon nang nara­ranasan ang pandemya sa buong mundo pero publiko ang sinisisi at itinuturong dahilan ng gobyerno kaya tumataas ang CoVid-19 cases sa bansa.

“What’s in a name? The so-called ‘bubble’ is in reality a lockdown. But government won’t call it a lockdown because it will be an admission of their failure, neglect, and incompetence. Blaming the people,” ani Binay sa kanyang tweet kahapon.

Habang sa homilya noong Linggo, hinamon ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila, ang samba­yanang Filipino na palitan ang kasalukuyang pama­malakad sa bansa kung hindi karapat-dapat na maging kulelat ang Filipinas sa buong mundo sa pagharap sa CoVid-19 pandemic.

“Kontento na ba tayo sa pamamalakad sa ating bayan? Ito na ba ang ‘the best’ na mararating natin? Kung kontento na, ipagpatuloy na lang natin ang kasalukuyang namu­muno.

“Kung naninaiwala tayo na hindi lang ito ang Filipinas, na hindi karapat-dapat na ganito tayo – parating kulelat…E ‘di palitan na natin ang kasalukuyang pamama­lakad,” ani Pabillo.

Maging ang Alliance of Health Workers (AHW) ay nagtatanong kung saan napunta ang P785.96 bilyon o 16.2 bilyong US dollars total loans ng administrasyong Duterte upang labanan ang CoVid-19 dahil P55.82 bilyon o US$ 1.15 bbilyon lamang ang inilaan para sa hospital equipment, medical needs, at vaccination.

Nagtaka ang grupo kung bakit walang transparency kung  paano ginasta ang mga pondo para sa Bayanihan 1 at 2 at sa isang taong pan­demya ay limitado pa rin ang Personal Protective Equipment, kulang pa rin ang mga empleyado sa mga pagamutan at hindi tumitigil ang kaso ng CoVid-19 sa hanay ng health workers.

Nangako si Presidential Spokesman Harry Roque na sasagutin ngayong araw ang mga isyu.

Inihayag kamakala­wa ng Palasyo na “NCR plus Bubble” ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na isinailalaim sa mas mahigpit na general community quarantine (GCQ) upang kontrolin ang paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa bansa sa loob ng dalawang linggo, mula 22 Marso hanggang 4 Abril.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *