Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangako ni Duterte vs Covid-19, hungkag (Coronavirus inismol)

HUNGKAG ang mga pinakakawalang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa paglaban sa CoVid-19.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France Castro, ang mga pahayag ng Pangulo kamakalawa ng gabi na “huwag matakot, hindi ko kayo iiwan” ay walang kahulugan dahil ang kailangan ng mga Pinoy ay mass testing, mabisang contract tracing, sapat na ayuda, epektibo, at episyen­teng vaccine roll-out.

“Ang kailangan ng mamamayan ay mass testing, mabisang contact tracing, sapat na ayuda, epektibo at episyenteng vaccine roll-out. Kailangan na rin ng mga guro at mag-aaral ng konkretong plano para sa ligtas na balik-eskuwela sa lalong madaling panahon,” ayon kay Castro.

Umalma rin ang isang mambabatas nang tawaging ‘maliit na bagay’ ni Digong ang CoVid-19 kamakalawa ng gabi kahit may 626,893 nahawaan at 12,837 namatay sa bansa mula 2020 kaya’t nag-trend sa Twitter Philippines ang #DutertePalpak:

“I will just say to my countrymen that do not despair. Kaya natin ito CoVid na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap.”

Sinabi ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, “We are living through the worst health and economic crisis on record with the fascist military generals in charge. Nasaang planeta ba ang Pangulo?”

“Insulto ang paha­yag na ito ni Pangulong Duterte sa mga nama­tayan at nagkasakit dahil sa CoVid-19, sa milyon-milyong nawalan ng trabaho at hanapbuhay, sa libo-libong inaresto at ikinulong na mahihirap dahil umano sa paglabag sa protocols, at sa mga pamilyang kailangang tiisin ang hirap at gutom.”

Ang tinuran aniya ng Pangulo ay nagpa­pakita na ‘detached’ siya sa tunay na sitwasyon ng mga mamamayan hanggang ngayon unang aniber­saryo ng lockdown.

Base sa estadistika, may 4.5 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho noong 2020 — na 15-year high kasunod ng shutdowns dahil sa restrictions. Umabot pa ‘yan sa 17.7% unemployment rate, Abril noong nakaraang taon (7.3 milyong walang trabaho), ang pinakamataas na maaaring ikompara sa kasaysayan ng bansa.

Kahit ilang trilyong piso ang inutang ng administrasyong Duterte para tugunan ang CoVid-19 pandemic, ang Filipinas ang huling bansa sa ASEAN Region na nakapagsimula ng CoVid-19 vaccination.

Giit ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate, umaasa nang lubos ang bansa sa mga donasyong bakuna mula sa Covax facility ng World Health Organization.

“Muli hindi ‘maliit na bagay’ ang isang taong pahirap na dinanas at patuloy pa rin dinaranas ngayon ng ating mga kababayan!”

Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang ibig sabihin ng Pangulo ay pansamantala lang ang pandemic at hindi niya ito minamaliit.

Kaugnay nito,  aminado si contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na malaking hamon sa gobyerno na himukin ang publiko na magtiwala sa contact tracing system ng administrasyon lalo na’t may mga nangangam­ba na magamit ng mga awtoridad ang nakalap na mga datos ng mga mamamayan bilang instrumento sa pag­labag sa karapatang pantao lalo na’t nasangkot ang mga pulis sa magkakasunod na political killings sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …