Monday , December 23 2024

Pseudo journo ahente ng anti-commie group sa media

NAGTATAGO sa press identification card (ID), sa isang media organization, at nagpapanggap na progresibo ang isang pseudo journalist para magbigay ng imporma­syon sa mga kaalyado sa anti-communist group.

Nabatid ito sa ilang impormante ng HATAW D’yaryo ng Bayan, kasunod ng walang habas na red-tagging na iwinawasiwas ng ilang opisyal ng militar laban sa ilang mamamahayag.

Ayon sa mga source, sa kagustohang mama­yag­pag bilang lider-lideran ng isang media organization, sumali pa sa isang social media group ng mga kontra-komunista ang pseudo journo.

Sa naturang grupo umano ay nagse-share ng kanyang mga artikulo ang pseudo journo para ipagyabang ang ‘pagbanat’ niya sa mga progresibong grupo kapalit ng mga pabor.

“Desperado siya, kasi hindi nagpapasuweldo ang kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan kaya kapit sa patalim,” anang source.

Bukod dito, paborito umanong gawin ng pseudo journo ang siraan ang mga lehitimong mamamahayag sa kan­yang mga kakiskisang-sikong unipormado at opisyal ng administrasyon para iangat ang kanyang bulok na reputasyon sa media.

Ang siste umano, nakasawsaw sa smuggling at human trafficking ang pseudo journo kaya kailangan niya ang proteksiyon ng mga nasa poder.

Ilang nakakikilala nang lubos sa kanya ay napapailing kapag natutunghayan ang social media account niya lalo na ang kanyang pagpa­panggap na nakakiling sa makakaliwang grupo pero ang totoo ay mistula siyang nakasuot ng bayong sa ulo na nagtuturo kung sino ang mamamahayag na nais ipahamak.

Ang pinakahuling raket umano ng pseudo journo para mahuthutan ang mga opisyal ng gobyerno ay isang ‘lingguhang pahayagan’ na ginagamit na behikulo sa paghahasik ng “the true, the good, and the beautiful propaganda” na katulad noong panahon ng batas militar ng diktadurang Marcos.

“Kung andito pa si Booger, baka siya mismo ang kumilos para wakasan ang mga kabuktutan ni Pseudo-Journo,” pagtatapos ng source.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *