Sunday , December 22 2024

VP Leni hinamon maglabas ng ebidensiya sa ‘CALABARZON massacre’

HINAMON ng Palasyo si Vice President Leni Robredo na maglabas ng ebidensiya sa pagtaguring masaker ng mga pulis sa siyam na aktibista sa CALABARZON nitong Linggo.

“Unang-una, kung personal na nakita ni Vice President iyong pangya­yari, aba’y magbigay siya ng ebidensiya. Kasi ang pananalita niya ay parang nakita ng dalawa niyang mata kung ano ang nangyari roon sa mga patayan na iyon ‘no. Kapag hindi siya nagbigay ng ebidensiya, kasalan din po iyan; baka siya ang makasuhan ‘no,” mataray na tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pag­batikos ni Robredo sa masaker sa CLABARZON.

Kinutya ni Roque si Robredo nang sabihin na hindi naman eyewitness o testigo ang Bise Presidente sa nangyaring pagpatay ng mga pulis sa siyam na aktibista,  sa raid noong Linggo kaya dapat hintayin ang resulta ng imbestigasyon sa insidente.

“So kung talagang siya ay eyewitness, sige po, ibigay niya ang ebidensiya. Pero kung hindi niya nakita ang pangyayari, gaya ng Presidente at gaya ng sambayanang Filipino, mag-antay ng resulta ng imbestigasyon dahil, naku, abogado pa naman po tayo pare-pareho ‘no. It’s an issue of fact, at kapag mayroong krimen na nangyari, talaga naman pong ang unang ebidensiya na io-offer natin sa hukuman kung mayroong kasong maisasampa ay iyong investigation report ng ating pulisya,” ani Roque.

“So kung anoman ang conclusion ni Vice President Robredo, kung wala siya roon sa mga pangyayaring iyon, as usual, laging mali ang ating Vice President,” dagdag ng Tagapagsalita ng Pangulo.

Kamakalawa ay ‘winakwak’ na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo dahil sa kritisismo ng Bise Presidente sa pag-handle ng administrasyon sa CoVid-19 pandemic.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *