Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Search warrant ‘gamit’ ng PNP sa madugong raid sa CaLaBaRZon

ni ROSE NOVENARIO

BUBUSISIIN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paggamit ng search warrant sa mga inilulunsad na police operations.

Inihayag ito ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Adrian Sugay, kinatawan ng Administrative Order 35 Inter-Agency Committee on Extralegal Killings, Enforced Disappearances and other Grave Violations of the right to Life, Liberty, and Security of Persons.

“Iyan ho ay titingnan natin iyan. That’s one of the things that we will look into. Ang amin lang napansin recently kapag may search warrants at sa pag-implementa ng search warrant, minsan talaga nagkakaroon ng hindi magandang pangyayari, mayroong mga naaaresto o kaya kamukha nitong nangyari nitong linggo mayroong mga nasawi, may mga napatay. So, siguro talagang titingnan natin iyan, ano bang nangyari talaga riyan? How were these search warrants being implemented and which we understand iyong search warrants were regularly applied for and issued naman by the Regional Trial Courts concerned? So, titingan po natin iyan, that’s one of the things we will look into,” paliwanag ni Sugay.

May ilang nababa­hala sa paghantong sa kamatayan ng siyam na aktibista, ang pagsisilbi ng search warrant ng Philippine National Police – Region IV sa isinagawang raid sa Cavite, Batangas, at Rizal.

Sinabi ni Sugay, hindi dapat makasanayan sa bansa ang patayan, kaya’t mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra ay nagagalit at nababahala sa naganap na pagpaslang sa mga aktibista.

“Siguro talagang minsan, sabi ko nga, you never get used to deaths e, you never get used to killings ano. Hindi naman ho exception si Secretary na kapag may ganiyan ho siyempre talagang palagi ho nakababahala e kapag may namamatay,” ani Sugay.

Kabilang rin aniya sa nirerepaso ng AO 35 Inter-Agency Committee ang mga patayan kaugnay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte.

“So, siguro these are things that we need to look into through the Inter-Agency Committee ano, ng AO 35 and also kasama rin ho iyan doon sa aming nirirepaso, nire-review in connection with iyong anti-illegal drug killings. So, iyan hong mga issues na iyan talagang tinitingnan namin iyan,” sabi ni Sugay.

Umaasa si Sugay na makatutulong ang mekanismo ng DOJ upang mapigilan ang mga patayan na may koneksiyon sa mga alagad ng batas.

“So, these are the steps we’re taking. We’re really taking a hard look through the mechanisms available within the department para ho matingnan anong nangyari sa mga iyan at sana makatulong sa abot ng aming makakaya na mapigilan iyong any more deaths ‘no in connection with iyong operations ho ng ating law enforcement agencies,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …