Sunday , December 22 2024

Pagtanggal ng NBI clearance sa gun license naunsiyami (Resolusyon ni Sinas nabitin)

KAILANGAN konsul­tahin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang iba pang ahensiya na tumulong sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Comprehensive Firearm and Ammunition Act bago ito amyendahan, ayon sa Palasyo.

Napaulat na naglabas ng resolution si Sinas na nagtatanggal sa NBI clearance bilang isa sa mga requirements at pinanatili ang police clearance upang makakuha ng license to own and possess firearm (LTOPF).

“Kinakailangan siguro konsultahin ng PNP iyong ibang mga bumuo ng IRR para malaman natin kung pupuwede nang i-forego iyong requirement ng NBI clearance. Pero pinag-aaralan daw po ito ng PNP ngayon at nagkaroon po kami ng telephone conversation about this kay Chief Sinas bago po magsimula ang ating press briefing,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon.

Ilang responsableng gun owner ang nabahala sa resolution ni Sinas lalo na’t ang National Bureau of Investigation (NBI) ang may database ng mga individual na may mga kaso sa korte at ang Philippine National Police (PNP) ay wala.

“Paano  maka­titiyak ang publiko na ang binigyan ng lisensi­yadong armas ng gobyerno ay law-abiding citizen? Hindi ba makokompromiso ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ipinalabas na resolusyon ni General Sinas?” anila.

Tiniyak ni Roque pag-aaralan ni Sinas ang isyu batay sa pangako sa kanya ng heneral nang mag-usap sila bago ang pulong-balitaan kahapon.

“Nagkausap po kami ni General Sinas. Pag-aaralan po niya itong issue na ito,” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *