Friday , November 15 2024

Terorismo ng estado? 9 patay, 6 inaresto, 9 nawawala sa Calabarzon (Duterte, Parlade pinananagot)

ni ROSE NOVENARIO

DAPAT managot sina Pangulong Rodrigo Duterte at Southern Luzon Command chief at National T4ask Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman Gen. Antonio Parlade, Jr., sa pagpatay sa siyam na aktibista at ilegal na pag-aresto sa anim pang iba sa inilunsad na operasyon ng pulisya sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon)na tinaguriang “Bloodbath Sunday.”

Pahayag ito ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kahapon sa anila’y walang habas na paggamit ng search warrant at pagtatanim ng mga ebidensiya na isinagawa upang bigyang katuwiran ang madugong police operations.

“We hold Pres. Duterte and Gen. Parlade directly accountable for the killing and illegal arrest of these unarmed activists, as well as the brazen weaponization of search warrants and planting of evidence that were done to justify such actions,” anang Bayan.

Kabilang sa mga napatay sa police operations ay si Emmanuel “Manny” Asuncion, secretary general ng BAYAN sa Cavite, kilalang mass organizer sa Southern Tagalog.

Kinilala ng Labor rights group PAMANTIK-KMU ang mag-asawang Chai Lemita Evangelista at Ariel Evangelista na napaslang sa Nasugbu, Batangas, mga miyembro ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan (UMALPAS KA).

Hanggang 2:50 pm ay inireport ng Calabarzon PNP na tatlo ang nadakip sa Laguna, 3 sa Rizal, ang mga napatay ay isa sa Cavite, 2 sa Batangas, 6 sa Rizal habang at-large ang isa sa Batangas at walo sa Rizal.

Giit ng Bayan, napabilang ang madudugong insidente sa napakahabang listahan ng mga kalupitan na kagagawan ni Duterte at ng kanyang pasistang rehimen.

Hiniling ng grupo na palayain ang lahat ng dinakip at magsagawa ng independent, credible investigation ang Kongreso at Commission on Human Rights sa inilunsad na magkakasunod na madugong pagsalakay ng mga pulis sa Calabarzon.

Nanawagan ang Bayan sa Korte Suprema na gumawa ng kagyat na mga hakbang upang maiwasan ang ibayong paggamit ng mga search warrant at iba pang judicial instruments para patahimikin ang mga aktibista, political dissenters, at government critics.

“We call on our people to be steadfast in these trying times and to not be intimidated. Let us persevere in the struggle to end the Duterte fascist regime,” anang Bayan.

 

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *