Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Nakapipikon na

NOONG Lunes, nasaksihan natin ang lingguhang pakita ng tumatao sa Malacañan. Hindi nag-aksaya ng pagkakataon na pumukol ng maanghang na patutsada. Una sa Estados Unidos na pinaparatangan niyang may nakaimbak na sandata-nuklear sa Subic at kapag napatunayan niya, babawiin niya ang VFA, at palalayasin niya ang puwersa-Amerikano palabas ng bansa.

Noong panahon na pinag-uusapan ang pagpigil ng upa sa mga base-Amerikano, ginawa na ito at walang nakuhang ebidensiya na may mga armas-nuklear na nakaimbak sa Filipinas. Patunay ito ng isang kabulaanan. Fast-forward sa kasalukuyan, muling lumantad ang parehong paratang, ngunit walang pruweba na ipinapakita si Rodrigo Duterte sa paratang.

Noong Lunes nasaksihan natin ang pagiging beast-mode ni Duterte nang maliitin niya at paliguan ng batikos ang Pangalawang Pangulo. Namula sa sinabi ni VP Leni Robredo na dapat dumaan sa maayos na clinical trials bago isertipika ang isang bakuna at ipamudmod sa publiko.

Standard po ito at hindi pangkaraniwan lalo na kapag gamot o bakuna ang pinag-uusapan at sa wari ko walang masamang intensiyon, o sinabi ang VP para tugunan ng ganyang uring tugon ni Duterte. May kasabihan ang matatanda na huwag mong hangarin ang kamatayan ng sino man dahil ito ay babalik sa iyo ng sampung patong. Iyan ay katiyakan na hindi matatakasan ng sino man.

Dito uulitin ko ang unang sinabi ko: si Rodrigo Roa Duterte ay hindi nararapat na mamuno sa bansa. Wala siyang kakayahan at mistulang nilagyan na lang siya ng patigas na popsicle stick sa gulugod niya.

Dapat na siyang palitan sang-ayon sa nakasaad sa Saligang-Batas.

*****

NOONG Linggo, dumating ang ipinagmamalaking bakuna na galing sa Tsina at nagbigay pa ng welcome ceremonies sa tarmac ng Villamor Air Base.  Ang Filipinas ang isa sa mga huling bansang nabigyan ng bakuna kontra CoVid. Nataon ito sa bakuna ng Sinovac na ipinananalandakan ng gobyerno Duterte.

Pero napupuna na matamlay ang pagtanggap ng Sinovac. Hindi nagkakandarapa ang publiko na pumila upang maturukan nito.

Ito ay maikokompara natin sa isang referendum o “vote of confidence” sa administrasyon ni Duterte. Hindi ito pasado sa panlasa ng taongbayan. Kaya ipinakikita nila ang kanilang hindi pagsang-ayon sa hindi pagpansin dito. Kumbaga sa isang palabas sa pinilakang tabing, hahayaan na lang langawin kaysa tangkilikin ng publiko.

Kung ang bakuna ng Tsina ang magiging base ng popularidad ng administrasyon ni Duterte, hindi magandang pangitain ito.

Dahil mas nanaisin ng taongbayan, sampu ng ating magigiting na “frontliners” na hintayin na lang ang ibang bakunang gawa ng Astra Zeneca, maging ng J&J at hindi isusugal ang kalusugan nila sa isang produktong “Made in China.”

*****

LUMABAS na rin noong Martes ang desisiyon ng Court of Appeals na nagpawalang-sala sa desisyon na buhayin muli ang rebellion charges laban kay dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV. Simple lang ang naging desisyon dahil maliwanag na nabigyan na ng “amnesty” si Trillanes. Napakababaw ng dahilan ng kampo ni SolGen Jose Calida, ang ipawalang bisa ang amnesty dahil hindi makita ang orihinal na dokumento.

Maliwanag na ito ay tangka ni Calida na guluhin ang desisyon para ipitin si Trillanes.

Ipinapakita lang kung gaano kababaw ang iginagapang ni Calida para maitaguyod lang ang “agenda”  ng kanyang amo sa Malacañang.

Sa akin maliwanag pa sa ‘sabaw ng pilos’ na may kahihinatnan ang apela ni Mr. Calida. [email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *