Tuesday , December 24 2024

Kid Yambao sumabak na sa BL series

TULOY-TULOY y ang paggawa ng BL series ha. Usong-uso talaga ito ngayon. At naisalin na rin ito sa pelikula na ang huli nga ay ang Hello Strangers The Movie, na pinagbibidahan nina JC Alcantara at Toni Labrusca.

Hindi naman natin masisisi ang mga producer sa paggawa ng ganitong klase ng pelikula o serye dahil kumikita naman sila.

Si Kid Yambao na member ng all male group na Hashtags ay pinasok na rin ang paggawa ng BL series katambal si Axel Torrez via Diving Into Love.

So, ibig sabhin handa na si Kid na makipaghalikan kay Axel?

Napanood na namin ang trailer nito at may chemistry ang dalawa huh! Ang cute nilang tingnan habang naghaharutan at naglalambingan sa tabing dagat.

Sana lang ay maganda ang BL series nila, hindi basura ang dating gaya ng ibang BL series na napanood namin.

Sa tingin ko naman ay maganda ito. Kung hindi kasi ay hindi ito tatanggapin ni Ogie Diaz, manager ni Kid. At sa paggawa ng BL series ni Kid, tiyak mas maraming member ng third sex ang magpapantasya sa kanya. Kahit sa pelikula lang ang pagpatol nito sa bakla, iisipin nila na baka game rin ito sa totoong buhay.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *