Sunday , December 22 2024

Vice mayor patay sa pamamaril, 2 sugatan sa Zambo Sibugay

BINAWIAN ng buhay ang bise alkalde ng bayan ng Mabuhay, lalawigan ng Zam­boanga Sibugay, habang sugatan ang dalawang iba pa, sa pamamaril na naganap sa Brgy. Poblacion, sa naturang bayan, nitong Biyernes, 26 Pebrero.

Sa paunang ulat mula sa Police Regional Office 9, naganap ang insidente ng pamamaril dakong 3:05 pm.

Kinilala ang napaslang na biktimang si Vice Mayor Restituto Calonge, at mga sugatang sina Engr. Edgar Pampanga at Hdj. Abduhari Gapor.

Ayon sa ulat, nag-uusap ang tatlong biktima malapit sa munisipyo nang may lumapit na isang lalaki saka sila pinapu­tukan ng baril kung saan tinamaan sila sa iba’t ibang bahagi ng mga katawan ang mga biktima.

Agad binawian ng buhay s9 Calonge saman­tala dinala sina Pampanga at Gapor sa pagamutan.

Base sa narekober na mga basyo ng bala sa pinangayrihan ng insiden­te, ginamitan ng kalibre .45 pistol ang mga biktima.

Agad tumakas ang suspek sakay ng motor­siklo matapos ang pama­maril.

Nagkasa ang Mabuhay Police Station (MPS) ng hot pursuit operation upang masukol ang gunman.

(ALEX MENDOZA)

About Alex Mendoza

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *