Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia gusto ng maraming anak

MAGTU-25 na pala si Julia Barretto sa susunod na buwan. Pero ang mga plano n’ya pala sa buhay ay lagpas pati na sa kaarawan n’ya next year.

Kabilang sa mga plano na ‘yon ay ang pagkakaroon ng sariling pamilya within the next five years.

Sinabi n’ya ito nang magpainterbyu kamakailan sa vlog ni Dani Barretto, ang panganay n’yang kapatid na ang ama ay ang dating aktor na si Kier Legaspi (samantalang si Julia naman ay si Dennis Padilla).

Sabi ni Julia sa ate n’ya: ”I hope that in five years I already have a child and my own family…that’s just really it, that’s the perfect age.”

At ‘di isa o dalawang anak lang ang pangarap n’ya. Deklara n’ya kay Dani: ”I want a tribe [tribu], I want a bunch.”

Hangga’t ‘di raw nagkakaanak si Julia ay ‘di siya makadarama ng fulfill­ment. Giit n’ya: ”My dream is to be a mother so, I don’t feel so fulfilled because (I don’t have a baby yet).”

Nilinaw din n’yang hindi lang sa love aspect ng buhay nakararanas ng fulfillment kundi sa mga ibang aspeto rin.

Aniya: ”Because yung mga chismoso, chismosa pag happy, pag heart is happy…kailangan ba love life agad? 

“Masaya ako kasi masaya family ko, masaya ako kasi happy ako sa friends ko, masaya ako kasi happy ako sa mga work na gagawin ko, kaya happy ako, happy ako sa bahay ko. Alam mo ‘yun? 

“I am very happy, because I learned the two important ingredients in life contentment and gratitude.”

Parang ‘di itinanong ni Dani kung sino ang gusto ni Julia na maging ama ng mga magiging anak n’ya. Kaya parang wala pang katiyakang kay Gerald Anderson n’ya gustong magkaroon ng maraming anak.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …