NAKATAKDANG makipag-ugnayan sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Electric Company (Meralco) upang masiguro na walang magaganap na power interruption sa storage facility na paglalagakan ng CoVid-19 vaccine.
Iatasan ni Moreno si City Engineer Armand Andres para siguruhin sa Meralco ang maayos na supply ng koryente para mapanatili ang temperatura ng storage at ang bisa ng vaccines.
Tiniyak ng alkalde, ang CoVid-19 vaccine storage facility sa Sta. Ana Hospital ay may kakakayahang mai-accommodate, ang lahat ng klase ng bakuna.
Kasabay nito, muling hinikayat ni Moreno ang publiko na magparehistro sa https://manilacovid19vaccine.com.
Sa ulat, umabot sa 89,000 ang nagpaparehistro para mabigyan ng libreng bakuna.
(BRIAN BILASANO)