Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Access sa bakuna hindi pantay — Caritas

VATICAN CITY, ROME — Sa kahilingan sa pandaigdigang komunidad na gawing ‘available’ ang bakuna kontra CoVid-19 para sa lahat, nanawagan ang Caritas Internationalis sa mga lider sa buong mundo na isantabi ang kanilang national at political agenda na makinabang sa kanilang pagpuhunan sa pag-develop ng mga bakuna at sa halip ay pagtuunan ang pantay na distribusyon nito, partikular mahihirap na bansa.

Sa opisyal na pahayag, inihayag ng sinasabing umbrella organization ng opisyal na mga pambansang Catholic charitiy sa daigdig na habang ang availability ng bakuna ay nakapagdala ng pag-asa, sinasabi rin lumitaw rito ang “mas malawak na hidwaan ng hindi pagkakapantay-pantay.”

“It is believed that the ‘miracle’ of the vaccines would reignite the global machinery and this has led to a kind of focus on the North, shown in nationalism and protectionism. The global South, meanwhile, where the majority of the poor live, is left out,” pahayag ng Caritas.

Nilagdaan ang pahayag na ito nina Cardinal Luis Antonio Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis at prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples; Aloysius John, na secretary-general ng Caritas Internationalis; at Cardinal Peter Turkson, prefect ng Dicastery for Promoting Integral Human Development at pinuno ng CoVid-19 commission ng Vatican.

Sa kanilang mensahe sa mga pandaigdigang lider, kinondena ng tatlong opisyal ng Holy See ang tinukoy nilang ‘inequitable distribution’ ng bakuna para ipunto na “hindi lahat ng mga bansa at yaong nagnanais o nangangailangan ng bakuna ay makakukuha nito dahil sa mga problema ng supply.”

“Taking care of the poor and the marginalized, who are the most exposed to the virus, is a moral priority because abandoning them puts them and the global community at risk,” idiniin ni Tagle.

Sa paglilista ng serye ng mga magagawa upang makatiyak sa ‘equitable distribution’ ng mga bakuna, nanawagan ang Caritas sa United Nations Security Council na harapin ang kakulangan ng access “bilang isang global security problem” at kailangang solusyonan ng “firm political decisions na nakabatay sa multilateralism.”

Nananawagan din ang organisasyon para sa debt relief sa mahihirap na bansa upang ang mga pondong malilikom o maisasantabi ay magamit sa pagpapaangat ng mga sistema ng kalusugan at medikal.

“The remission of debt could be a means for generating funds for the multi-stakeholders — faith-based organizations in particular — to upgrade the medical services and facilities in these countries. The money that is meant to pay a poor country’s debt could be spent for strengthening health security,” dagdag ni Tagle. (Kinalap ni Tracy Cabrera mula sa Source Union of Catholic Asian News) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …