Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Nanalo at dinaya

EWAN ko kung may nagbilang kung ilan ang nanood kay Mr. Duterte sa weekly “proof-of-life” media briefing noong Lunes ng gabi. Sa tingin ko, mas interesado ang mga nanonood na basahin ang comment box ng kanyang paglabas sa social media.

Iisa ang tema ng tila sirang-plakang pahayag ni Rodrigo Duterte. Ito ay ang insultuhin ang sinumang nagpahayag ng kritisismo laban sa namamahay sa Malacañang.  At tama ako. Ang “flavor of the month” ay si Bise Presidente Leni Robredo.

Ito’y matapos sabihin na asal-extortionist si Duterte; matapos sabihin na kung gusto ng America na magkaroon ng VFA dapat magbayad sila.

Hindi nagpatumpik-tumpik si Mr. Duterte at inalipusta si Leni nang sabihin na nangingikil siya. Natawa lang si Bise Presidente. Sinabi niya na nasanay na siya sa mga patutsada ni Duterte, at hindi niya hahayaan na maapektohan ang ginagawa ng OVP lalo na ngayong panahon ng crisis. Ayon sa Bise Presidente, gawa at hindi ngawa ang mahalaga ngayon.

Sa aking sapantaha kinakabog ang dibdib ni Duterte at mga kasapakat niya.

*****

Noong Martes ng umaga, naglabas ng unanimous decision ang Korte Suprema na kinakatigan si Bise Presidente sa election protest na inihain ni Bongbong Marcos. Nagpasalamat si Leni sa mga mahistrado. Dagdag ng Bise Presidente: makaraan ang apat at kalahating taon na paglilitis, nagkaroon ng “collective sigh of relief.”

Mukhang hindi pa natutuldukan ang isyu dahil naglabas ang kampo ni Marcos ng kalatas na hindi pa tapos ang apela nila. Natawa ako sa sinabi ng isa nating kaibigan na netizen at street parliamentarian Ethel de Borja:

“Mga Marcos loyalists, hindi kay Bongbong Marcos nakabatay ang demokrasya. Tantanan ninyo iyang namatay ang demokrasya dahil ibinasura na FINALLY ng PET ang election protest niya. Unang una, dumaan sa TAMANG PROSESO ang election protest.

“Pangalawa, pinayagan ng PET ang fishing expedition ni Bongbong Marcos at ilang beses din niyang [naantala] ang pag-usad ng protesta. Pangatlo, noong natapos ang pagbibilang ng boto para sa recount, binigyan pa rin ng pagkakataon ang magkabilang panig na magbigay ng pahayag o mag-submit ng motion bago desisyonan ng PET ang reklamo.

“Pang-apat, e lintek naman ‘yang si BBM, iba na naman ang inirereklamo? Gaguhan na iyan kapag ganyan.  Panglima, tigilan n’yo iyang kaungasan n’yo. Hindi ninyo pala naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng demokrasya kung ganyan. Pang-anim, payag na payag kayo sa Martial Law, e diyan nga walang demokrasya.

“Pangpito, katulad na ba kayo ng mga DDS na may sariling diksiyonaryo ha? Diktadurya ang pakahulugan ninyo sa demokrasya e. Mga engot!”

Hindi natin puwedeng ipagkaila ang fighting spirit na ipinakikita ng kampo ni Marcos. Dahil kahit sunod-sunod ang talo nila, ipinipilit pa nilang hanapan ng butas ang protesta, at nananalangin sila na maaaring may kapiranggot na katigan sila ng mga mahistrado.

May kasabihan na kapag ginawa ang isang bagay na paulit-ulit dahil inaasahan mo na maiiba, ang resulta sa kalaunan ay tanda ito ng kabaliwan.

Dahil malapit ang halalan, nawa’y natuldukan ang kabaliwan dahil hindi magandang pangitain para sa nanalo sa isang lehitimong halalan. Kapag nangyari iyan, mawawalang tuluyan ang ibig sabihin ng nanalo at natalo sa isang halalan.

Ito ay magiging nanalo at dinaya.

Isipin ninyo iyan.

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *