Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 gaganap sa Voltes V: Legacy, ipinakilala na

INANUNSIYO na ang tatlo sa mga gaganap na miyembro ng Team V5 na sina Big Bert ArmstrongLittle Jon Armstrong, at Mark Gordon ng much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime series na  Voltes V: Legacy ng GMA Network nitong Lunes (Pebrero 8).

Tinutukan at inabangan ng netizens lalo na ng loyal fans ng iconic series ang tatlo sa cast members na bubuo sa Team V5 na ipinakilala sa 24 Oras.

Napiling gumanap na Little Jon ang talented child Kapuso actor na si Rafael Landicho, ang StarStruck Season 7 alumnus naman na si Radson Flores ang gaganap na Mark, habang si Matt Lozano naman ang nagwagi mula sa auditionees para sa karakter ni Big Bert.

Ikinuwento ni Radson na dama niya ang kaba at excitement sa kanyang first big role at puspusan na rin ang kanyang pagte-training para sa karakter ni Mark.

Aniya, ”Sobrang grateful ko po na ako ang gaganap bilang Mark. Ang dami kong character analysis na gagawin para kay Mark kaya nakaka-excite.”

May pagkakatulad naman ang singer-actor at Spogify 2016 winner na si Matt kay Big Bert, ”Si Big Bert kasi masayahing tao pero at the back of his mind nandoon ‘yung lungkot. Pareho kami na kahit nalulungkot, gumagawa pa rin ng way para mapasaya ang lahat. Hindi lang ‘yung sarili ko kung hindi pati na rin ‘yung nakapaligid sa akin.”

Ang pinakabatang miyembro naman ng Team V5 na si Rafael ay excited na rin gampanan ang kanyang role bilang ang genius na si Little Jon. “Hindi po ako makapaniwala na nakuha po ako bilang isa sa mga gaganap sa ‘Voltes V.’ Excited na po akong makita ‘yung Camp Big Falcon at mga ship na malalaki.”

Samantala, kagabi inanunsiyo ang kukompleto sa Team V5 na sina Steve Armstrong at Jamie Robinson sa 24 Oras.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …