Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Poe at anak na si Brian sumaklolo sa biktima ng sunog sa Zamboanga City

INAYUDAHAN  ni Sen. Grace Poe ang 120 homeless families sa Zamboanga City na biktima ng sunog sa Cabato Road, Brgy. Tetuan noong 6 Enero.

Ipinagkaloob ang tulong sa pamamamagitan ng Panday Bayanihan, isang non-government organization na pinamumunuan ng kanyang anak na nagsisilbing chief of staff na si  Brian Poe Llamanzares.

Tumanggap ang mga benepisaryo ng bags na naglalaman ng bbigas, mga delatang corned beef atbeef loaf, instant noodles, at kapeng naka-sachets.

”Sana po makatulong kahit paano ang aming munting naiabot. Ang mga tulong po na ito ay bukal sa aming puso dahil ang malasakit sa kapwa kung wagas sa puso ay walang hinihintay na kapalit,” wika ni Poe.

Ang Panday Bayanihan ay inorganisa noong  2013 nang manalasa ang  typhoon “Maring” na naapektohan ang may 2.5 milyong mamamayan at nawalan ng bahay ang 800,000 residente.

Misyon at layunin ng nasabing NGO ang makatulong sa mga nangangangailangan lalo sa mga biktima ng kalamidad.

Ang Panday Bayanihan ay ipinangalan sa iconic fictional local hero ng underdog masses na ginampanang papel ng ama ng senador na si  Fernando Poe, Jr., sa “Ang Panday” movie series.

“Whatever disaster or calamity that may hit anywhere in the country, the bayanihan spirit will always be there. Nandiyan palagi ang ating mga kababayan na handang tumulong. That’s what Panday Bayanihan stands for. Kaya Panday Bayanihan dahil bayanihan ang pinapalaganap natin dito,” wika ni Poe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …