Monday , December 23 2024
Duterte CPP-NPA-NDF
Duterte CPP-NPA-NDF

Para sa kapayapaan? Amnesty commission binuo ni Duterte

DESIDIDO ang administrasyon na hikayatin ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan kaya’t isang komisyon ang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para iproseso ang aplikasyon ng mga armadong nagnanais ng ‘bagong normal’ na pamumuhay.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang isang executive order na nagtatag ng National Amnesty Commission na bubuuin ng pitong miyembro mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Itatalaga ni Pangulong Duterte ang chairperson ng komisyon at dalawang regular na miyembro habang ang justice, defense, interior secretaries, at ang presidential peace adviser ay magsisilbing ex-officio members.

Ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang secretariat ng komisyon.

“This is part of the efforts toward peace, where we offer the hand of peace to some groups so they can go back to normal and peaceful lives,” sabi ni Roque sa virtual Palace press briefing.

Hindi pa isinasa­publiko ng Palasyo ang kopya ng executive order kaya’t hindi pa batid kung ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na tinaguriang terorista ng gobyerno ay kalipikado sa amnesty.

“While probation and parole only erase punishments, in amnesty, as if the things committed by some groups, usually a crime that becomes a crime of rebellion, is also erased. That’s why the concurrence of Congress,” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *