Saturday , November 16 2024

Duterte sa Customs: Covid-19 vaccine ‘wag pakialaman

ni ROSE NOVENARIO

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Customs (BoC) na huwag pakialaman o buksan ang mga kargamentong naglalaman ng coronavirus disease (CoVid-19) vaccine na darating sa paliparan.

Masyadong sensitibo o delikado ang mga bakuna kaya hindi maaaring hawakan o tanggalin sa freezer na kinalalagyan nito.

Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang Philippine National Police (PNP) na magsilbing escort sa mga bakuna mula pagdating nito sa airport hanggang sa destinasyon.

Aniya, responsibi­lidad ng pulis na tiyaking makarating nang ligtas ang CoVid-19 vaccine habang ang kampo militar ay gagamitin na vaccination center par­tikular sa mga probinsiya dahil kailangan ang malaking lugar.

Umapela ang Pangulo sa Communist Party of the Philippines (CPP) na huwag prehuwisyohin ang mga unipormadong mag­hahatid ng bakuna sa mga liblib na lugar dahil para ito sa kapakanan ng mga Filipino.

“You must ensure that the vaccine will arrive freely and safely to its destination,” sabi ng Pangulo sa public address kagabi.

Tiniyak ng Pangulo ang mabilis na distru­busyon ng mga bakuna at walang diskrimansyon sa tuturukan nito at ipaiiral ang priority list na binuo ng gobyerno.

Muling pinuri ng Pangulo ang mga retira­dong heneral na itinalaga niya para pamunuan ang kampanya ng gobyerno kontra CoVid-19.

Pinasalamatan niya ang Kongreso sa mabilis na pagpasa sa mga batas na tutugon sa CoVid-19 pandemic.

CoVid-19
VACCINATION DRIVE
SIMULA NA
SA 15 PEBRERO

ILANG tulog na lang, darating na ang unang batch ng CoVid-19 vaccine sa Filipinas.

Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon sa virtual Palace press briefing na magsisimula ang vaccination drive sa 15 Pebrero o sa darating na Lunes para sa frontline healthcare workers.

“Well, ilang tulog na lang mga kaibigan, at darating na po ang unang batch ng ating bakuna. Sa katunayan, ready or not ready, handang-handa po ang ating gobyerno para magsimula ang ating vaccination drive itong a-kinse ng Pebrero,” aniya.

Aniya, saklaw ng paparating na inisyal na batch ng mga bakuna mula Pfizer-BioNTech ang mga empleyado na kabilang sa inisyal na master list mula sa mga ospital sa buong bansa na tatanggap sa unang batch.

Tinatayang nasa 117,000 doses ng bakuna ang darating sa bansa at kasama sa mga unang ospital na tatanggap sa unang batch ng mga bakuna ang Philippine General Hospital (PGH) na may 5,000 empleya­dong nakalista, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at East Avenue Medical Center.

Matatandaan, sinabi ng World Health Organization (WHO) na manggagaling sa COVAX Facility ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech na darating sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero.

Ang COVAX facility ay isang global partnership na nagttiyak na magkakaroon ng access sa bakuna ang lahat ng bansa.

(ROSE NOVENARIO)

VACCINE PASSPORTS
DAPAT LIBRE SA LAHAT

BINIGYAN-DIIN ni Senator Grace Poe na dapat ay libre lamang para sa lahat ng mama­mayan ang proposed vaccine passports.

“Talagang dapat libre ito. Sa batas namin libre ito,” wika ni Poe.

Isinasaad sa Section 10 ng panukalang batas na iniakda ni Poe na: “Vaccine Passport Act” (S. No. 1994) states no fees shall be collected for the issuance, amendment, or replacement of a vaccine passport.

Nakabinbin pa rin ang panukalang batas sa Senate Committee on Health and Demography.

“Cost should not be a consideration in restoring normalcy and providing peace of mind to Filipinos,” wika ni Poe.

Inilinaw ni Poe, suportado ng DOH ang roll out ng  vaccine passport kahit hindi pa maging batas ang naturang panukala.

“Noong kami’y nagkaroon ng pagdinig kasama si (DOH) Secretary Duque, sabi naman niya, gagawin nila iyon kahit walang batas, na dapat meron daw pruweba para masabi kung anong dosage ang naibigay sa iyo, anong klaseng bakuna,” wika ni  Poe.

Sinabi ni Poe, napa­panahon ang pagka­kaloob ng  vaccine upang makatiyak sa kaligtasan, at mapanatag ang kaloo­ban ng mga mamamayan.

“Alam naman natin na maraming mga establisimiyento at mga kompanya ay nag-iipon na para mabakunahan ang kanilang mga empleyado. Mahalaga ito sa iba’t ibang uri ng negosyo para alam natin na ligtas tayong pumunta sa isang restaurant. O kundi sa food facility na nagha-handle ng pagkain, gusto natin na ligtas ang ating pakiramdam, at siyempre para mangyari ito, kailangan ligtas rin ang ating mga empleyado,” wika ni Poe.

(NIÑO ACLAN)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *